PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal(79)

PROBLEMADO si Robert sa ibinalita ni Anto na may mga taong umaaligid sa bahay ni Mahinhin. Tiyak na mga tauhan ni Tsekwa ang mga iyon. Sino pa ba ang magkakainteres na umaligid sa bahay ni Mahinhin kundi ang drug lord.

Lumalawak ang problema ni Mahinhin. Sana ay nakuha niya ang telephone number ni Mahinhin para nasasabi niya ang panganib na nakaamba rito. At sana, malaman niya kung ano ang tunay na dahilan at hinahanap siya ni Tsekwa. Hindi lang basta-basta ang problema ni Mahinhin kaya kailangan nito ang tulong.

Tinawagan ni Ro-bert si Nesto kung  mayroon pa itong nalalaman kay Tsekwa.

“Wala pa akong bagong nalalaman ukol kay Tsekwa, Sir Robert.’’

Ikinuwento ni Robert ang ibinalita ni Anto mula sa probinsiya.

“May mga taong umaaligid sa bahay ni Mahinhin o Bianca.”

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Sigurado ako Sir Robert na mga tauhan ni Tsekwa iyon.’’

“’Yan din ang kutob ko, Nesto.’’

“Pero delikado rin si Anto, Sir Robert. Sana sinabihan mong umalis na muna sa lugar. Baka siya ang pagbalingan ng mga tauhan ni Tsekwa.’’

“Sinabihan ko na siya, Nesto. Sabi ko, huwag muna siyang lumabas ng bahay.’’

“Tama yun Sir. Pero mas maganda kung aalis muna siya roon.’’

Natapos ang usapan ng dalawa.

ISANG umaga, naghahanda ng almusal si Anto nang may dumating na mga lalaki. Puwersahang pumasok.

“Tanda, alam mo kung nasaan si Bianca?’’

“Hindi ko alam! Wala akong kilalang Bianca.” (Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: