^

True Confessions

Nunal (72)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL na pinagmasdan ni Robert ang Pugad Uwak KTV club. Kailan kaya ito isinara? Malakas naman ang club sa tingin niya noon pero bakit isi­nara? Dahil kaya nawala na si Mahinhin alyas Bianca? Posible iyon. Dahil nawala ang star dancer, biglang bumagsak.

Pero maaari rin namang dahil sa ginawa ng may-aring Tsekwa kay Ma­hinhin na pinagtangkaan itong gahasain habang natutulog. Mabuti na lamang at lumaban si Mahinhin kaya hindi na­tuloy ang balak ng manyakis na Tsekwa. Malaki raw ang pagnanasa sa kanya ng Tsekwa. Ang pangyayaring iyon pala ang dahilan kaya siya umalis sa club.

Pero bakit hindi alam ng waiter na si Nesto ang dahilan nang pag-alis ni Mahinhin. Walang nabanggit si Nesto at ang sinabi lamang ay biglang umalis si Mahinhin. Baka hindi na inilabas ang totoong balita at baka maeskandalo ang may-ari na Tsekwa. Wala nang ibang dahilan na sinabi si Nesto. O maaari rin naman na hindi sinabi ni Nesto ang dahilan kaya umalis sa club si Mahinhin o Bianca.

Napahinga nang mala­lim si Robert.

Ipinasya niyang umalis na. Wala naman siyang mapagtanungan kung saan lumipat ang mga empleado ng Pugad Uwak kabilang si Nesto. Gusto niyang makita si Nesto at makikibalita kung ba­kit nagsara ang Pugad Uwak. Isa pa, marami ring naitulong sa kanya si Nesto sa paghahanap kay Mahinhin. Ito ang naghanap ng paraan kung paano makikita si Mahinhin sa Maragooc.

 

ISANG araw na nag­lalakad si Robert sa Rizal Avenue, isang lalaki ang nakita niya. Kahawig ni Nesto! Parang si Nesto nga ang lalaki!

Sinundan niya.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with