^

True Confessions

Nunal (52)

Pilipino Star Ngayon

“NAHIHIYA ako sa sari­li ko. Pero wala akong ma­gawa. Kailangan kong kumita para makapag-aral si Bighani,” sabi ni Mahinhin habang nakaupo sila ni Robert sa damuhan malapit sa pampang ng ilog.

‘‘Pero kahit nagbilad ako ng katawan at nagbuyangyang ng kaluluwa nanatili pa rin ang kabirhenan ko. Ni dulo ng daliri ko ay wala pang nakakahawak. Ni hindi nga ako nakatikim ng ladies drink sa Pugad Uwak. Iyan ang isa kong maipagmamalaki kahit na marami nang nakakita sa katawan ko at sa pagka­babae ko...’’ patuloy na pagsasalita ni Mahinhin na may garalgal na sa boses.

Nanatili namang nakatingin si Robert sa dalaga na tila nakikisimpatya.

Naniniwala siya sa si-nasabi ni Mahinhin. Nga-yon niya nauunawaan kung bakit balitang-balita sa Pugad Uwak KYV bar na mahirap daw i-table si Mahinhin alyas ‘‘Bianca’’. Sabi ng kaibigan niyang waiter dun, tanging si‘‘Bianca’’ lang daw ang hindi naiti-table o nati-takeout dun. Kahit daw ang mga mayayamang business man o DOM ay hindi napilit si ‘‘Bianca’’.

Kaya naniniwala siya sa sinasabi nito ngayon. Napreserba ni Mahinhin ang kabirhenan, Humanga siya kay Mahinhin. Mahirap nang makatatagpo ng babaing birhen ngayon at isipin pang nude dancer siya. Kahanga-hanga si Mahinhin.

Nagpatuloy pa si Mahinhin sa pagkukuwento at wala nang garalgal sa boses nito, “Nagsara kasi ang maliit na art shop na pinapasukan ko sa Quiapo. Gumagawa ako ng mga artworks para sa mga mug, pinggan at iba pa. Sabi ng may-ari, wala na raw ipasusuweldo kaya maghanap na kami ng ibang mapapasukan. Talagang litung-lito ako noon. Gradua­ting pa naman si Bighani. Hanggang sa mayroong customer sa artshop na nag-alok na mayroon daw siyang friend na Chinese na nangangailangan ng sexy dancer. Malaki raw ang isusuweldo. Noong una, bantulot ako. Hindi ko kaya. At saka kapag ginawa ko iyon, at mayroong makakita sa akin na nagsasayaw, kakalat ang balita dito sa Maragooc na marumi ang aking trabaho. Kapag nagsa-yaw nang hubad ay iba na ang dating --- pandidirihan ako tiyak.

‘‘Pero naalala ko ang pag-aaral ni Bighani at tiyak na magugutom kami kapag hindi ako nakapagtrabaho. Kaya nagpasya ako. Tinanggap ko ang alok na magsayaw ng nude sa Pugad Uwak. Malaki ang bayad sa akin.

Bawat buwan ay kumiki-ta ako ng P50,000. Kaya nasolb ang problema namin ni Bighani at naipagawa ko pati bahay namin.’’

“Kahanga-hanga ka Mahinhin. Ngayon lang ako nakakita ng kapatid na ka-tulad mo --- handang gawin ang lahat alang-alang sa kapatid.

Napakabuti mo, Mahinhin.’’

‘‘Salamat Robert. Meron lang sana akong ipakikiusap sa’yo. Huwag mo  na sanang maikuwento o sabihin kay Bighani ang lihim ko. Tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo Robert.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with