PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal(43)

NAGMAMADALING umuwi si Robert at ibi­nalita kay Anto ang mga nangyari.

Humagalpak ng tawa si Anto. Bilib sa ginawang paraan ng kaibigan.

“Pati pala ako e extra sa drama mo.’’

“Oo. Yun kasi ang pinakamadaling paraan para malaman ko ang pangalan ni Bighani.’’
“O di naniniwala ka na ngayon na ang mga pangalan ng babae rito sa Maragooc ay pa­wang Tagalog.’’

“Oo, Anto. Tama ka. Ang gandang pangalan ng Bighani.’’

“Kaya yung hina­hanap mong si Bianca ay wala rito sa Maragooc. Nagkamali siguro ang nagsabi sa’yo.’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Baka nga, Anto. Pero ngayon na naki­lala ko na si Bighani ay wala na akong interes kay Bianca.’’

“E di ako ang mag­hahanap, malay mo totoo palang narito.’’
“Ba­hala ka. Basta ako, tututukan ko na si Bighani dahil nasa kanya lahat ang hinahanap ko. Hindi lang yung nunal sa likod ng tuhod kundi ang napakaganda niyang mukha. Perpekto si Bighani, Anto.’’

“Aba ay huwag mo nang pakawalan.’’

“Bukas ay babalik ako sa bahay nila at sasabihin ko e natagpuan ko na ang Anto na hina­hanap ko. At kaya ako bumalik ay para magpasalamat.’’

“Galing mo talaga, Robert. Sige, sana ay suwertehin ka bukas.’’

“Salamat, Anto.’’

KINABUKASAN, nag­balik si Robert sa bahay nina Bighani.

“Nagbalik ako para magpasalamat, Bighani. Natagpuan ko na si Anto. Kung hindi sa’yo, baka hindi ko siya nakita.’’

“Walang anuman.’’

“Ako nga pala si Robert. At puwede bang makainom, Bighani. Uhaw na uhaw kasi ako.’’

“Sandali at ikukuha kita ng tubig.’’

“Salamat.’’

Pero naawa si Bighani kay Robert dahil mainit sa labas.

“Halika rito sa loob. Siguro naman hindi ka masamang tao.’’

“Salamat, Bighani.’’

Sa loob na ininom ni Robert ang tubig.

“Salamat, Bighani. Aalis na ako.”

Pero may tumawag mula sa labas.

“Bighani! Bighani!’’

“Si Ate yun!’’

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: