^

True Confessions

Nunal (31)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABAHAN si Robert na baka may makakita sa kanya habang pinanonood ang dalawang babaing naliligo sa ilog. Baka mayroong kasama ang dalawa at mahuli siya. Nakakahiya dahil dayo lamang siya rito sa Maragooc. Baka mapahamak siya. Baka may tao sa likod niya at bigla na lamang siyang hampasin sa ulo o kaya’y tagain sa likod.

Kaya nagpalinga-linga siya sa paligid para matiyak na walang ibang tao sa paligid. Mahirap nang maunahan. Kailangan ay alisto siya. Isa pa, baka may kobra na naman siyang makaenkuwentro. Bilin ni Anto sa kanya na mag-ingat dahil panahon ng paglabas ng mga kobra ngayon.

Pero ganun na lamang ang panghihinayang ni Robert nang sa pagtingin niya sa ilog ay wala na ang dalawang babaing naliligo. Nagkandahaba ang liig niya sa pagsi-lip at baka nasa tabing pampang lamang ang dalawa. Wala! Umahon na siguro ang dalawang babae. Nanghinayang siya. Pero nagtataka siya kung bakit biglang nawala ang dalawang babaing naliligo. Hindi kaya mga engkantada ang dalawang iyon?

Mga isang minuto pa rin siyang naghintay at baka bumalik ang dalawang babae. Pero wala na ang mga ito.

Ipinasya ni Robert na magbalik na sa bahay ni Anto. Baka nasa bahay na si Anto at magtaka kung bakit matagal siya.

Nasa bahay na nga si Anto.

Nakita niya sa lamesa ang maraming pinamili nito. Karneng baboy, alak na imported, pansahog sa ulam at marami pang iba.

“Bakit natagalan ka yata Robert. Nag-alala ako at ba-ka nakatapak ka ng kobra.”

Nagsinungaling si Ro-bert.

“Nalibang ako sa tana­win, Anto. Ang ganda nga pala rito.’’

“Oo maganda talaga rito. Mas maganda sa tabing ilog. Marami kang makikita roon.’’

“Talaga. Mga ano ang makikita ko, Anto?’’

“Basta maganda. Mga sariwang bulaklak!’’

Nag-isip si Robert. Hindi kaya ang mga babaing naliligo ang sinasabi ni Anto. Baka nakita na niya ang dalawang babae.

“Teka at mag-iihaw na ako ng karne para makapagsimula na tayo ng inuman. Nakabili ako ng imported – Tirador – masarap daw ito.’’

“Aba sige. Tutulungan kitang mag-ihaw para madaling makapagluto.’’

“Huwag na at kayang-kaya ko ito.’’

“Tutulungan kita.’’

“O sige. Siyanga pala eto ang sukli. One five lang nagastos ko kaya mayroon pang one five na natira.’’

“Sa iyo na ‘yan Anto.’’

“Aba ang laki nito. One five ito, Robert.’’

“Sa iyo na ‘yan. Itago mo.’’

“Maraming salamat.’’

Nagsimula silang mag­luto.

Nag-iisip si Robert habang nag-iihaw ng baboy.

Iniisip niya ang dalawang babaing naliligo sa ilog.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with