^

True Confessions

Nunal (17)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MARAMING napagtanungan­ si Robert sa kahabaan ng Miguelin Street mula Fa­jardo hanggang España Blvd. pero walang nakakakilala kay Bianca. Maski sinabi na niyang nagtatrabaho ito sa isang club ay wala ring makapagsabi. Talagang pa­rang naghahanap siya ng karayom sa dayami. Na­pakaraming Bianca kaya palagay ni Robert ay mahi­hirapan siya sa paghaha­nap sa babaing hindi naman siya kilala.

Napapatawa siya sa ginagawa. Kung mayroong makakaalam ng kanyang ginagawang paghahanap sa dancer na si Bianca, baka pagtawanan siya at sabihang “nababaliw” na.

Pero nasimulan na niya ang ginagawa at siya ang taong hindi iniiwan ang nasimulang gawin. Tatapusin niya ang nasimulan kahit pa hindi maganda ang kahantungan. Talagang ganoon. Ang mga imbentor at mahilig mag-eksperimento ay ilang beses nabigo bago nagtagumpay. At malay niya kapag natagpuan niya si Bianca Nunal ay mayroon palang magandang gantimpala para sa kanya. Baka may suwerteng hatid sa kanya si Bianca. At malay niya, ang babae palang may nunal sa likod ng hita ang perpektong maging asawa at hindi ang may nunal sa likod ng tuhod.

Kaya ipagpapatuloy niya ang paghahanap kay Bianca.

Sa kabilang bahagi ng Miguelin Street siya tutungo. Lumiban siya sa España Blvd. at pumasok sa maliit na kalye ng Miguelin. Sa tantiya niya ay isang sasakyan lang ang kasya sa kalye. Tipikal na kalye sa Maynila na kapag traysikel ang pumasok ay magtatrapik na.

Una niyang napagtanu­ngan ang isang lalaki na nagwawalis sa harapan ng isang lumang apartment.

“May kilala ka po bang Bianca, Manong?’’

“Bianca? Bianca ano?’’

“Hindi ko po alam ang apelyido, Manong?’’

“Paano mo makikita ang hinahanap mo e hindi mo pala alam ang apelyido? Alamin mo muna dahil maraming Bianca sa mundo.’’

Parang sinampal si Robert.

“E, salamat na lang po Manong.’’

Nagpatuloy sa paglala­kad si Robert.

Muli siyang nagtanong sa dalawang babaing nagkukuwentuhan sa may tapat ng isang apartment. Mukhang mga maid ang dalawa.

“Mga Mam, meron ba ka­yong kilalang Bianca rito.’’

“Bianca? Anong itsura?’’ tanong ng isa.

“Maganda siya. Maputi at mahaba ang buhok,’’ sagot ni Robert na medyo nagkaroon ng pag-asa dahil parang may alam ang dalawa.

“Mga ilang taon na siya?’’ tanong ng isa pang babae.

“Siguro mga 21 o 22 siya.’’

“Ay wala akong kilala. Yung kilala kong Bianca ay 10 years old.’’

Ang isa namang babae ay sinabing wala siyang kila­lang Bianca.

Nagpaalam na si Robert at patuloy na naglakad.

Marami pa siyang na­pagtanungan at walang ma­kapagsabi.

Malapit na siya sa hangganan ng Miguelin sa Dimasalang St. nang isang may edad na babae ang napagtanungan niya at sinabing nakatira si Bianca sa apartment na halos ay ilang metro ang layo sa amin.

“Dun, dun nakatira si Bianca,” sabing nakangiti ng babae.

“Salamat Manang.’’

“Tenk yu!’’

Tinungo ni Robert ang apartment na sinabi ng babae.                 (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with