^

True Confessions

Nunal (3)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAPAGOD lamang sa paglalakad si Roberto pero wala siyang nakitang babae na may nunal sa likod ng tuhod. Iilan na lang kasi ang nakita niyang nakapaldang babae dahil halos lahat ay naka-jeans. Ang ilan pang nakita niyang nakapalda ay mga may-edad na.

Ipinasya na niyang umuwi. Balak na niyang itigil ang “kahibangan” na paghahanap ng mga babaing may nunal sa likod ng tuhod. Baka nagsasayang lamang siya ng oras sa paghahanap. Mas mabuti pa ay magpahinga na lang siya at nang mapanatili ang lakas ng katawan. Dapat niyang alalahanin na past 40 na siya at sa mga ganitong edad nagsisimula ang sintomas ng mga sakit.

Nang makauwi na siya sa kanyang sariling bahay, ang inatupag na lamang niya ay ang paglilinis. Kaysa lumabas siya para maghanap ng babaing may nunal sa likod ng tuhod, ang  paglilinis ang kanyang inasikaso. Matagal na siyang hindi nakakapaglinis. Nag-iisa lang kasi siya sa bahay. Mula nang mamatay ang kanyang mama, nag-iisa na lang siya sa bahay. Ang kanyang kaisa-isang kapatid ay nasa Australia at mayroon nang pamilya.

Talagang balak na niyang huwag nang ituloy ang nasimulang paghahanap sa babaing may nunal sa likod ng tuhod pero nang mag-research siya sa google ukol sa mga mole at ibig sabihin nito, muli siyang sumigla.

Nabasa kasi niya na ang mga babaing may nunal sa likod ng tuhod, bukod sa magandang kapartner at madaling makasundo ay ubod din pala ng lambing.

Marami pa siyang nabasa.

At iyon ang dahilan kaya ipinagpatuloy niya ang paghahanap sa mga babaing may nunal sa likod ng tuhod.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with