^

True Confessions

Nunal (Simula)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MAHIGIT 40 years old na si Robert at binata pa. Itinuturing na niya ang sarili na “matandang binata”. Ang lahat ng mga kababata niya o kaklase ay may mga asawa na at mga anak. Kapag nagki­kita-kita silang mga magkaklase noong high school ay siya ang lagi nang tinutukso na “matandang binata”. Kailan daw siya mag-aasawa. Ma­haba na raw ang tahid niya. Kailangan daw ay ikalat niya ang lahi. Huwag daw buruhin dahil sayang. Kung anu-ano pa ang mga pagbibiro na natanggap niya. At wala siyang ma­gawa kundi ang magtawa o ngumiti. Wala siyang maisagot na dahilan kung bakit wala pang ka-partner sa buhay gayung mahigit na siyang kuwarenta. Pero meron din naman siyang mga ka­klase na kumakampi sa kanya kapag binibiro na “matandang binata” o “mahaba ang tahid”. Depensa ng mga ito: “Hindi pa matandang binata si Robert. Tama lang sa lalaki na mag-asawa nang past forty. Sa lalaki kahit may edad puwede pa. Hindi katulad ng babae na mahihirapan nang manganak.’’

Sa pagtatanggol na iyon napapangiti si Robert. Makikipag-“high five” siya sa mga kaklase na nagtanggol sa kanya.

Pero mauulit muli ang panunukso sa kanya sa muling reunion.

Kaya naisip ni Ro­bert na huwag na munang dumalo sa reunion dahil tutuksuhin na naman siyang “ma­tandang binata”. Baka mapikon na siya.

Kapag nag-iisa, tina­tanong ni Robert ang sarili kung bakit nga ba single pa siya. May itsura rin naman siya. May pinag-aralan. Malaki na rin ang naiipon niya. May sariling bahay at lupa at may sasakyan. Hindi naman siya siyoke.

Pihikan kasi siya.

Isa pa, mayroon siyang hinahanap sa babae na gusto niyang makasama habambuhay. Iyon ay ang nunal --- nunal sa likod ng tuhod.

Una niyang nari­nig sa kanyang yumaong ina na ang ba­baeng may nu­nal sa likod ng tuhod ang magandang paka­salan dahil mada­ling makasundo ninuman. Mahusay daw maki­pag­kapwa tao.

Na-challenge si Robert. Maghanap kaya siya ng babaing o dalagang may nu­nal sa likod ng tuhod.

Minsan ay nag­lakad siya --- iniwan ang kotse sa bahay. Sa paglalakad, isang babae ang nasundan at nakita niyang may nunal ito sa likod ng tuhod!

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with