^

True Confessions

Damo sa Pilapil

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Wakas)

NAGRETIRO na si Zac sa kompanya at ibinuhos na lamang ang panahon kay Dulce. Sa bukid na sila nanirahang mag-asawa. Si Mateo na ang inilagay niyang presidente ng kompanya. Matalino si Mateo at naniniwala siyang ito ang magpapatuloy ng mga nasimulan niya sa kompanya. Sa palagay niya, mas mahusay pa kaysa sa kanya si Mateo. Tuwang-tuwa naman si Dulce sa ginawa ni Zac. Tama ang ginawa ni Zac. Kahit na lumisan na sila sa mundong ito, nakasisiguro na sila sa magandang hinaharap ng kom­panya at magpapatuloy pa.

Lumipas pa ang ilang taon at nagkaroon na ng sari-sariling pamilya sina  Mateo at Noime.

Napangasawa ni Mateo ang isang maganda at mabait na babae na naki­lala habang dumadalo sa isang konperensiya sa ibang bansa. Pinay din ang babae.

Hanggang sa magkaroon ng anak ang mga ito – isang babae at isang lalaki.

Nag-asawa na rin si Noi­me. Isang doctor ang napangasawa nito. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki.

Kapag weekend ay duma­dalaw sina Mateo at Noime sa bukid na kinaroroonan nina Zac at Dulce. Maghahanda naman ng pagkain sina Zac at Dulce at masaya silang magkakainan. Walang tigil ang kuwentuhan. Tuwang-tuwa sina Zac at Dulce sa tatlong bata. Mahal na mahal nila ang mga bata na itinuring na nilang apo.

“Parang kailan lang ano, Dulce? Malalaki na ang mga anak nina Mateo at Noime.’’

“Mga apo natin sila Love.’’

“Tingnan mo at sa pilapil sila naghahabulan. Tu­wang-tuwa sila.’’

“Napakasayang pagmasdan, Love.’’

Hinawakan ni Zac ang palad ni Dulce. Marahang pinisil.

“Maligayang-maligaya ako, Dulce. Walang ka­singligaya. Wala na akong mahihiling pa.’’

“Mas lalo na ako Love.’’

Maya-maya nakita nilang papalapit ang tatlong bata sa kanila. Puro putik ang mga damit dahil nadapa sa pilapil.

(BUKAS ABANGAN ANG BAGONG NOBELA NI RONNIE M. HALOS)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with