^

True Confessions

Damo sa Pilapil (150)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKAPAGTRABAHO agad si Noime sa isang malaking ospital sa Makati. Mataas ang suweldo.

Buwan-buwan ay umuuwi siya sa probinsiya para dalawin ang kanyang nanay at ang mag-asawang Zac at Dulce. Sa probinsiya na noon nakatira ang mag-asawa.

Tuwang-tuwa si Dulce kapag dumarating si Noi­me. Parang anak na ang turing niya kay Noime.

“Ang ganda mo namang nurse, Noime,” sabi ni Dulce habang tini-tsek nito ang kanyang blood pressure.

“Mana po sa ganda  mo, Mam Dulce.’’

“Thank you, Noime.’’

Pagkatapos ma-check ang blood pressure ni Dulce ay si Zac naman ang isinunod.

“Kumusta ang work mo Noime?” tanong ni Zac.

“Mabuti po Sir Zac.’’

“Natutuwa kami ni Mam Dulce mo sa magandang kapalaran na dumating sa inyo ni Mateo.’’

“Salamat din po sa inyo. Kung wala po kayo ni Mam Dulce, hindi namin maaabot ni Kuya ang tagumpay na ito.”

“Uulitin ko lang na sana ay gawin n’yo rin ni Mateo sa iba pang tao ang ginawa namin sa inyo ni Mam Dulce mo. Tumulong din kayo sa iba pang mga bata na may potensiyal.’’

“Hindi ko po nalilimutan ang paalala n’yo ni Mam Dulce. Nakatatak na po sa isip namin.’’

“Salamat naman. Kailangan ay maipasa sa iba para kumalat. Kung hindi isi-share sa iba, mawawala na ang aming sinimulan.’’

“Opo. “Yan po ang aming gagawin.’’

Si Dulce naman ang nagsalita. Hawak sa braso si Noime.

“Maikli ang buhay ng tao kaya dapat gumawa na ng mabuti sa kapwa habang maaga pa. Kahit  wala na kami ni Sir Zac mo rito sa mundo, sana lagi kayong tumulong sa mga nanganga­ilangan. Iyan lamang ang aming hiling, Noime.’’

“Makakaasa po kayo, Mam Dulce. Ibabalik po namin sa iba ang ginawa ninyo sa amin.’’

Napaiyak si Dulce.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with