^

True Confessions

Damo sa Pilapil (141)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon
Damo sa Pilapil (141)

Dahil na rin sa kanyang  puspusang  kampanya la-ban sa iligal na droga, iniha-yag ni Manila Mayor Joseph Estrada na umaabot na sa  24 na barangay dito ang “drug-free”. File

“MAYROON pa kayang mga damo na tulad mo Love na nagsumikap hanggang sa maabot ang mga pangarap?” Tanong ni Dulce kay Zac makaraang pagmasdan ang mga bagong usbong na damo sa bagong tambak na pilapil.

“Mga bagong kabataan ba ang ibig mong sabihin, Love?’’

“Oo.’’

“Marami siguro. Di ba mayroon tayong mga napapanood sa tv at nababasa sa diyaryo at Facebook na mga masisipag na bata na para makapag-aral ay kung anu-anong trabaho ang pinapasok --- nagla-lako ng kakanin, pandesal, ice candy at iba pa.’’

“Tama ka Love.’’

“Meron pa nga na sa sobrang sipag mag-aral e kahit sa ilaw sa poste nagre-review ng kanyang aralin para mag-top sa exam. Meron namang mga estudyante na nagla-lakad nang pagkalayu-layo para lamang makara-ting sa kanilang school. Maputik pa ang kanilang nilalakaran at tumatawid pa ng ilog. Yung iba nga e walang sapin sa paa. Pero sa kabila niyon, patuloy pa rin silang nagsisikap sa pag-aaral. Lalo lamang silang nagpapakahusay.’’

Napatangu-tango si Dulce. Sang-ayon siya sa mga sinabi ng asawa.

“Kaya marami pang kabataan ngayon na mistulang damo sa pilapil na gustong makatakas sa kanilang kinalalagyan.’’
“Paano kaya natin makikita ang mga damong iyon, Love?’’

“Anong ibig mong sabihin?”

“Gusto ko silang tulu-ngan, Love. Gusto kong matupad nila ang pinapangarap sa buhay. Kailangang may tumulong sa kanila para maabot ang tagumpay. Kung walang kamay na tutulong sa kanila, habambuhay na lang sila na tatapak-tapakan. Dapat silang makaba-ngon mula sa kadahupan.’’

“Tulad ko Love?’

“Exactly.’’

Nag-isip si Zac.

“Alam ko na ang iniisip mo Love. Hayaan mo at maghahanap ako ng mga damo na may pangarap sa buhay.’’

ISANG tanghali na busy si Dulce sa pagtatanim sa kanyang bakuran, may nakita si­yang dalawang bata (lalaki at babae) na nasa kabila ng bakod.

May dalang sako ang dalawa. May pinupulot sa lupa ang mga ito.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with