^

True Confessions

Damo sa Pilapil (111)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MALAMIG sa sinehan. Niyakap ni Zac si Dulce para mainitan ang katawan nito. Paborito nila ang English movie kaya enjoy na enjoy sila sa pano­nood. Halos­ linggu-linggo ay nanonood sila ng sine. Kakain muna sila ng hapunan at saka manonood.

“Ayaw mo tala­gang mag-ampon tayo Love,” tanong ni Dulce habang naghihintay sila sa pagsi­simula ng movie. Si­guro’y nag-aalala si Dulce dahil hindi na niya mabibigyan ng anak si Zac dahil may edad na siya.

“Huwag na. Baka nga magkaproblema pa tayo kung mag-aampon.’’

“Bakit naman?’’

“Marami na akong nalaman na nagbibigay lang ng problema ang ampon. Hindi lahat nang inaampon ay lumalabas na mabuti – mayroong matigas ang ulo. Kaya para sa akin, hindi na. Ano pa naman ang hahanapin ko e ikaw lang ay sapat na sa akin. Mali­gaya na ako kapag ka­sama ka.’’

“Kasi inaalala ko ikaw. Siyempre bata ka pa at ang hina­hanap ng mga lalaki ay anak.’’

“Ako hindi. Mas gusto ko na kasama ang mahal kong asawa. Kahit walang anak, basta ikaw lang ang kasama ko habambuhay, solb na ako.’’

Niyakap nang mahigpit ni Zac si Dulce. Isiniksik naman ni Dulce ang mukha sa dibdib ni Zac. Damang-dama niya ang init ng pagmamahal ni Zac. Wala na siyang mahihiling pa. Lahat nang hinaha­nap niya sa lalaki ay natagpuan niya kay Zac.

May ibinulong sa kanya si Zac: “Hindi ako magsasawang sabihin nang paulit-ulit na mahal na mahal kita. Hindi ako magbabago. Walang hanggan ang pag-ibig ko…”

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with