^

True Confessions

Salome (143)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘MAKIKIPAG­LARO’’ siya kay Jeffrey, iyon ang naisip na paraan ni Amy. Kunwari ay papayag siya sa gusto nito pero papapasukin o pada­damahin lang niya. Pagkatapos ay saka niya ito isusumbong kay Rocco. Kapag nalaman ni Rocco ang ginagawa ng hinayupak, baka patayin ito ni Rocco at itapon ang bangkay sa estero. Kilala na niya ang ugali ni Rocco kahit maikling panahon pa lang sila nagkakamabutihan. Ayaw ni Rocco na pinakikialaman ang nalawayan na niya.

“Ano Amy, fifteen mi-nutes lang tayo. Hin­di malalaman ni Pilar ang lihim n’yo ni Adik-adik kapag pinagbigyan mo ako. Hindi rin malala­man na si Adik-adik ang nagpatakas kay Sabel.’’

“Baka may makakita sa atin.’’

Kumislap ang mga mata ni Jeffrey sa sinabi ni Amy. Ibig sabihin payag na ito sa gusto niya kaya lamang ay natatakot. Sabi na nga ba’t ‘‘malambot ang ilong’’ ng babaing ito. Gusto ring makatikim ng ibang luto. Nagsasawa na rin siguro kay Adik-adik dahil lagi itong nakakulong sa kuwarto.

Napangisi si Jeffrey --- ngising aso.

“Walang makakakita sa atin, Amy. Tignan mo at walang katau-tao.’’

‘‘Sigurado ka, Jeffrey.’’

‘‘Oo. Magtiwala ka.’’

“Sige, halika rito sa loob.’’’

Napangisi uli si Jeffrey.

‘‘Sabi ko na nga ba’t papayag ka, Amy. Ganyan nga para smooth ang pagsasama natin. Tama ang desisyon mo. Magaling kang magpasya.”

Pero si Amy ay iba  ang naiisip. Kapag sasalingin na siya ni Jeffrey ay bigla siyang aayaw at magtutungo sa room ni Rocco. Hihi­ngi siya ng tulong dito. Hanggang si Rocco na ang maging kalaban ni Jeffrey. Tatalunin ni Rocco si Jeffrey.

Akmang papasok na si Jeffrey sa room ni Amy nang bigla siyang makarinig ng mga yabag na papalapit. Nang tingnan niya, si Mam Pilar!’

‘‘Si Pilar paparating! Saka na lang natin ituloy!’’ sabing natataranta ni Jeffrey. ‘‘Huwag kang magsusumbong tungkol sa mga sinabi ko sa’yo ha! Delikado ka!’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with