^

True Confessions

Salome (141)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NOONG una hindi ako kumikibo kahit alam kong tutol ka nang mapangasawa ko si Pilar. Pero ngayon, hindi na ako makapapayag na basta mo siya bastusin at paratangan ng kung anu-ano, Mac. Masyado ka nang manghusga!’’ Sabi ni Sir Hector na nangi­nginig na ang boses.

“Daddy hindi ako mapanghusga. Nagsasabi lamang ako ng totoo.’’

“At gusto mong paniwalaan kita.’’

“Daddy, kaya tumakas si Salome sa bahay mo ay dahil natakot sa asawa mo at sa driver/lover niya. Ipapapatay si Salome dahil nahuli niya ang mga ito na nagsi-sex sa isang kuwarto. Ayon kay Salome, itatago niya sa kuwarto ang mga nilabhang damit nang maaktuhan ang asawa mo at ang driver. Napaatras daw si Salome at biglang umalis. Shock na shock siya.’’

Natahimik si Sir Hector. Walang kakurap-kurap habang nakatingin kay Mac.

“Pakinggan mo ako Daddy. Sa pagkakataong ito, pakinggan mo ako. Nang mag-asawa kang muli, hindi ako tumutol. Wala kang narinig sa akin kahit ga-putok. Pero ngayon, sana naman pa­kinggan mo ako.’’

“Walang katotohanan ang sinasabi mo. Hindi ako naniniwala.’’

“Bakit hindi ka mag-imbestiga, Daddy? Mag-obserba ka muna sa asawa mo at sa driver.’’

Biglang tumigas ang mukha ni Sir Hector.

Saka biglang tumalikod at humakbang palabas.

“Delikado ang buhay mo Daddy. Mag-ingat ka!’’ pahabol ni Mac. Iyon kasi ang kutob niya. Ma­laki ang paniwala niya na para makuha ni Pilar ang mga ari-arian ng kanyang daddy ay may binabalak na masama rito. Gagamitin niya ang driver/lover.

 

ISANG gabi, buma­ngon si Jeffrey at inaba­ngan si Amy. Naghintay siya. Hanggang sa ma­kita niya ito.

“Pssst! Amy!’’

Napalingon si Amy. Gulat na gulat.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with