^

True Confessions

Salome (55)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NASILIPAN mo ako ano?’’ Tanong ni Amy kay Rocco.

“E nakatuwad ka e. Kasalanan ko bang mapa­tingin dun.’’

“Isusumbong kita kay Mam Pilar.’’

“Anong isusumbong mo?’’

“Sinisilipan mo ako!’’

“Ikaw itong tutuwad tapos akong isusumbong mo.’’

“Matagal ka nang nasa likuran ko kahapon ano.’’

“Kasalanan ko?’’

“Pagdating ni Mam Pilar­, isusumbong kita.’’

“Di magsumbong ka.’’

“Talagang isusumbong kita. Bukod sa paninilip sa akin, mayroon pa akong nabisto sa’yo.”

Natigilan si Rocco. Nakamaang. Nang magsalita ay mababa na ang boses.

“Anong nabisto?’’

“Basta may nabisto ako sa’yo. Kitang-kita ko ang ginawa mo.’’

“Ano nga yun?’’

“Bakit ko sasabihin? Basta pagdating ni Mam Pilar ibubulgar ko sa kanya ang nakita ko.’’

Hindi makapagsalita si Rocco. Parang daga na nahuli.

Ngingiti-ngiti naman si Amy.

Maya-maya pa, nag-ring ang cell phone ni Rocco. Dinampot at sinagot.

“Hello? Ma? O bakit ka tumawag?’’

Si Mam Pilar iyon, hula ni Amy.

“Uuwi na kayo? Bakit uuwi na kayo? Ano? Nagsasawa ka na? Bakit?’’

Pauwi na sina Mam Pilar at Sir Hector mula sa Europe tour.

“Akala ko dalawang buwan kayo? Huwag muna kayong bumalik! Basta huwag muna!’’

Habang nakikipag-usap ay pasulyap-sulyap si Rocco kay Amy. Parang maamong tupa.

Nang akmang aalis na si Amy agad nang tinapos ni Rocco ang pakikipag-usap sa ina.

“O sige, saka na lang tayo mag-usap. Busy ako. Buwisit. Sige na!’’

At saka pinutol ang pakikipag-usap.

Humakbang si Amy para lumabas.

“Hoy Amy, sandali. Mag-usap pa tayo. Amy!’’

Pero tuluy-tuloy si Amy sa paglabas.

(Itutuloy)

vuukle comment

CHED

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

TUITION INCREASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with