^

True Confessions

Black Widow (76)

Pilipino Star Ngayon

“UMIIYAK na nagmakaawa sa akin si Jam habang nakaluhod. Patawarin ko raw siya. Nagkamali raw siya. Naging mahina raw siya.’’ Patuloy na pagkukuwento ni Pete habang nakikinig naman si Marie. Hindi pa rin siya lubos na makapaniwala na magagawa ng kaibigan niyang si Jam na magtaksil.

Nagpatuloy pa si Pete sa pagkukuwento ng mga nangyari.

‘‘Lumambot ako. Palibhasa ay mahal ko si Jam. Pinatawad ko siya makaraang sabihin na tapos na ang pakikipagrelasyon sa lalaki niya. Hindi na raw mauulit ang pagkakamali niya. Ako ay mabilis na naniwala. Ayaw kong masira ang aming pamilya dahil naaawa ako sa mga bata. Kapag nagkahiwalay kami, apektado ang dalawang bata. Ayaw kong mangyari iyon.

‘‘Tinanggap ko siya. Kinalimutan ko ang lahat alang-alang sa aming mga anak. Umasa ako na tutuparin niya ang mga mga sinabi na hindi na uulitin ang kataksilan.

‘‘Pero niloko lang pala niya ako. Tuloy pa rin ang pakikipagrelasyon niya sa lalaki na dati pala niyang kaklase sa college. Isang med rep ang lalaki at mayroon ding asawa. Patuloy pa rin ang paglalaro nila ng apoy. Ang pagluhod at pag-iyak niya sa akin ay drama lamang. Muli ko silang nahuli pero hindi ko kinumpronta dahil wala nang pag-asa pang magbago ang katulad niyang mahilig sa laman.

‘‘Mula noon hindi na kami nagtatabi sa higaan. Nandidiri ako sa kanya. Hanggang sa may makilala akong babae. Mabait. Siya ang napagbalingan ko. Nagsama kami. Pero umuuwi ako sa bahay para sa aking mga anak. Hanggang malaman na rin ni Jam na mayroon na rin akong ibinabahay. Parehas na lamang kami. Hanggang malaman ko na nag-abroad na pala ang lalaki niya. Nawala na ang kalaguyo niya.

“Hanggang may nakarelasyon siyang dancer sa gay bar. Nabuntis pa siya. Noon ko itinago ang mga bata. Bahala na siya sa buhay niya. Hindi na niya makikita kahit kailan ang mga bata.’’

Noon nagsalita si Marie para depensahan ang kaibigan.

‘‘Pero ikaw daw ang unang nambabae. Bago pa raw niya nakarelasyon ang dancer sa gaybar ay mayroon ka nang ibang babae.’’

“Sinungaling ang kaibigan mo, Marie.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

AYAW

BAHALA

HANGGANG

MGA

NIYA

PATULOY

PERO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with