^

True Confessions

Black Widow (34)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PAANONG ginantihan, Jam?” Tanong ni Marie na halatang nagulat sa sinabi ng kaibigan.

“Bukas ko na ikukuwento sa’yo. Nagmamadali lang ako. Mayroon akong kausap na tao ngayon, babay,” sabi ni Jam at nagmamadaling umalis.

Naiwan si Marie na hindi pa rin makapaniwala sa pinagtapat ni Jam. Ginantihan na raw ang asawa.

Habang pauwi, ang mga sinabi ni Jam ang iniisip ni Marie. Ginawa rin pala nito ang banta. Anong nangyari sa babaing iyon. Sino kaya ang lalaki? Baka ang dancer sa KAYUMANGGING IBON?

KINABUKASAN, nalaman lahat ni Marie ang tungkol doon.

Niyaya siya ni Jam sa isang restaurant. Habang kumakain, ipinagtapat nito ang nangyari.

“Nakaganti na ako sa aking asawa, Marie. Kung ano ang ginawa niya sa akin, iyon din ang ginawa ko sa kanya.’’

“Nagkaroon ka rin ng lalaki?’’

Tumango.

“Sino?” Tanong ni Marie.

Huminga muna nang malalim si Jam bago sumagot.

“’Yung dancer sa gaybar. May relasyon na kami. Dalawang linggo na.’’

Shock si Marie.

Nagpatuloy si Jam sa pagsasalita.

“May nangyari na sa amin, Marie. Mahal ko siya at mahal din naman ako. Nararamdaman ko, totoo ang hangarin niya. Mas nadarama ko ang pagmamahal niya kaysa sa taksil kong asawa.’’

Saka lamang naka­pagsalita si Marie.

“Paano ang mga anak mo?’’

Huminga nang malalim si Jam bago nagsalita.

“Bahala na.”

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANONG

BAHALA

BUKAS

HABANG

HUMINGA

JAM

MARIE

SINO

TANONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with