^

True Confessions

Kastilaloy (39)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAPANSIN ni Garet ang pagbabago ng uga­li ng kanyang mama nang magsimula itong makipag-bonding sa mga kaibigan at ka-klase. Halos sunud-sunod ang paglabas nito. Inaabot ng gabi sa pag-uwi at nang tumagal ay madaling araw na. Laging ang katwiran ay napasarap ng pakikipagkuwentuhan sa mga kaklase. Meron bang ganoon katagal magkuwentuhan na inaabot nang madaling araw? Parang mahirap paniwalaan. Napailing-i­­ling sabay hinga nang malalim si Garet. Hindi niya alam ang gagawin ngayong nagbibigay ng isipin ang kanyang mama. Kung kailan nagkakadedad ay saka naman nagiging pasaway.

Itinuon na lamang ni Garet ang pagsulat sa kasaysayan ni Dionisio Polavieja alyas Kastilaloy. Idinagdag niya ang mga mahahalagang sinabi ni Tita Carmina ukol sa ama. Ang sinabi nito na mahilig sa mga kabataang babae si Kastilaoy ay isinulat na rin niya --- pati ang pagnanasa sa kanyang Mama Julia. Pero sabi rin naman ni Tita Carmina, tila nagpapaubaya raw naman ang kanyang mama. Sabi pa ni Tita Carmina, mahilig daw sa lalaki ang kanyang mama.

Napahinga si Garet sa tagpong iyon. Ngayong may tila kinahuhumalingan ang kanyang mama --- narinig niya ang pakikipag-usap nito sa cell phone – parang gusto na niyang maniwala. Tila nga madaling matukso ang kanyang mama. Bola-bolahin lamang ay bibigay na. Pakiramdam niya, ang lalaking kausap sa cell phone ang dahilan kaya laging ginagabi ang kanyang mama.

Tapos, balak pa ni­tong mag-hire ng dri­ver.  At wala nang ma­kakapigil sa gusto nito. Siya ang masusunod at wala nang iba.

 

ISANG umaga, ti­na­wag siya ng kanyang mama.

Ipinakilala nito ang isang lalaki.

“Siya si Geof, ba­gong driver natin.’’

Guwapo ang lalaki. Bata pa.

(Itutuloy)

vuukle comment

BATA

DIONISIO POLAVIEJA

GARET

KANYANG

MAMA

MAMA JULIA

SHY

SIYA

TITA CARMINA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with