^

True Confessions

Kastilaloy (3)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SHOCK si Garet sa sinabi ng kanyang mama ukol sa pamboboso ng tiyuhin na si Dionisio Polavieja.

“Sigurado ka Mama na si Lolo Dionisio ang namboboso sa’yo? Di ba pamangkin ka niya? Baka naman nagkakamali ka?’’

“Hindi ako maaaring magkamali, Margarita. Si Tiyo Dionisio ang nakasilip sa butas ng wall habang ako ay naliligo. Mga 18 o 19 years old ako ng mga panahong iyon. Saka walang ibang lalaki sa aming bahay noon kundi si Papa at si Tiyo Dionisio. Yung drayber naman namin ay hindi nakakapasok sa loob ng aming bahay. May sariling kuwarto sa labas ng bahay ang driver at maid namin.’’

“Anong ginawa mo nang malaman mong namboboso si Lolo Dionisio?”

“Nagmadali ako sa paliligo. Takot na takot ako.’’

“Isinumbong mo kay Lolo Fernando?”

“Hindi!”

“Bakit?’’

“Ayaw kong may pag-awayan sina Papa at Tiyo Dionisio kaya nanahimik na lamang ako. Kasi’y baka kung ano ang magawa ni Papa kay Tiyo. Baka mabaril niya ito.’’

“Ano pang nangyari?”

“Nagmatyag ako mula noon. Gusto kong mahuli siya sa akto habang binobosohan ako.’’

“Nahuli mo?”

“Hindi.’’

“Ano pang sumunod?’’

“Matindi na!’’

“Anong matindi?”

“Nagpaparaos na habang pinanonood ako    sa paliligo!’’

Shock  si Garet sa si­nabi ng kanyang mama. Hindi siya makapagsa-lita. May sakit kaya si Lolo Dionisio at maski pamangkin ay pinagpapantasyahan?

Nagpatuloy ang kanyang mama sa pagkukuwento.

“Nagpasya na ako na isumbong si Tiyo Dionisio kay Papa. Kasi’y baka ang kasunod ay pasukin na ako sa banyo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANO

ANONG

DIONISIO

DIONISIO POLAVIEJA

GARET

KASI

LOLO DIONISIO

LOLO FERNANDO

TIYO DIONISIO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with