^

True Confessions

Sinsilyo (234)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SUBALIT hindi madali ang pagpasok sa loob ng room na kinaroroonan ni Mau. Naobserbahan ni Lyka na pawang mga doctor at nurses lamang ang maaa-ring pumasok. Nang silipin niya ang loob ng room, may CCTV na nakatutok. Tiyak na makikita siya at mada-ling malalaman na may ibang taong nakapasok dahil iba ang kanyang suot. Mahuhuli agad siya. Kapag nahuli siya, tapos na ang career niya. Mabubulok siya sa bilangguan at wala nang mapapakinabang sa insurance ni Mau.

Nag-obserba pa si Lyka sa mga nangyayari sa loob. Labas-masok ang mga doctor at nurses para tingnan ang kalagayan ni Mau. Isang babaing doctor ang nakita niyang pumasok at tiningnan si Mau. Sinu­ri-suri ang mga paso sa kamay. Kamay lang yata ang walang benda. Halos buong katawan ay may benda. Parang mummy si Mau na walang kakilus-kilos sa pagkakahiga. Nakita niyang umalis na ang babaing doctor.

Maya-maya, isang babaing nurse naman ang pumasok. Inobserbahan ni Lyka ang mga gagawin. May dalang white plastic tray at pangkuha ng blood pressure (BP). Marahang iniangat ng nurse ang braso ni Mau at kinunan ng BP. Nang matapos ay sinuri ang laman ng dextrose. Tiningnan kung maayos ang daloy nito sa braso ni Mau. Marami pang laman ang dextrose.

Ganun lang ang ginawa ng nurse at lumabas na ito.

Nagkaroon ng ideya si Lyka. Magkukunwari siyang nurse! Mas madaling magkunwaring nurse kaysa doctor. Kayang-kaya niyang maging nurse! Makakapasok siya sa loob at magagawa niya nang suwabe ang lahat kay Mau. Masisiguro niyang patay si Mau bago siya umalis sa ospital na ito. Kapag nangyari iyon, tiyak na ang pagkubra niya nang milyong insurance ni Mau, ha-ha-ha! Babay, Mau!

Mabilis siyang umalis. Maghahanap siya ng uniporme ng nurse. Madali lamang bumili ng uniporme ng nurse. Magpapagawa siya sa Divisoria! Tama! Noon, natatandaan niya, may kaki­lala siyang nagpagawa ng uniporme ng nurse. Ipara-rush niya ang pagpapatahi para maisagawa ang balak. Hindi kailangang pagtagalin ang gagawin sapagkat baka ilipat nang ibang room o kaya’y operahan pa si Mau. Masisira na naman ang plano niya kapag nagkaganoon.

Nagtungo sa Divisoria si Lyka. Madali siyang nakapagpagawa ng uniporme ng nurse. Ipina-rush niya. Maaari nang kunin kinabukasan. Habang sinusukatan siya ng bading na may-ari ng shop ay panay ang sulyap sa kanya. Nahalata iyon ni Lyka pero sa isip niya, naiinggit marahil ang bading sa kanya. Maski nang papaalis na siya ay nakapagkit pa rin ang tingin sa kanya ng bading.

Kinabukasan, tapos na ang uniporme. Kumpleto iyon, kasama na ang cap.

Isinukat niya. Tamang-tama ang lapat sa kanya! Nurse na nurse ang dating niya! (Itutuloy)

vuukle comment

DIVISORIA

KAPAG

LYKA

MADALI

MAU

NANG

NIYA

NURSE

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with