^

True Confessions

Sinsilyo (232)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“LOLO Kandoy, sa pala­gay mo, si Lyka ang nagkandado sa pinto ng kuwarto ni Kastilaloy kaya hindi nakalabas?” Tanong ni Gaude.

“Mahirap magsalita hangga’t hindi mo nakita ang pangyayari pero sino pa ba ang maaring magkandado ng pinto. Hindi naman si Mau. Imposible namang ikandado ni Kastilaloy ang sariling pinto.”

“E di si Lyka po ang nagkandado?’’

Tumango si Lolo Kandoy.

“Bakit po kaya?’’

“Palagay ko, para wa­lang makapagsalita. Kasi si Kastilaloy lang naman ang nakaaalam nang lihim nila. Silang dalawa lang naman ang magkakutsaba. Kung hindi niya papatayin si Kastilaloy, maaaring isumbong siya nito kapag nagkagipitan. Tiyak na ililigtas ni Kastilaloy ang sarili.”

“Pero di po ba may lihim silang relasyon. Di po ba nakita mo kung paano magpahipo si Lyka kay Kastilaloy. Bakit kailangan pang patayin?’’

“May ibang plano si Lyka. Pinasakay lang niya nang pinasakay si Kastilaloy, nagpahipo, pero sa totoo lang, bahagi iyon ng plano. Nang makuha ang tiwala ni Kastilaloy, ito ang ginamit niya. Pero sa dakong huli, maaring naisip ni Lyka na si Kastilaloy ang magpapahamak sa kanya kaya, kinandaduhan ang pinto ng kuwarto nito. Tagumpay siya sa plano kay Kastilaloy pero kay Mau, nabigo siya. Nabuhay si Mau. Kaya delikado siya ngayon.’’

“Posible kayang may ibang lalaki si Lyka kaya masyado siyang atat na patayin si Mau.”

“Posible yun.’’

“Pero di ba narinig mo po na kaya gustong patayin ni Lyka si Mau ay dahil nambababae ito. Bukod dun, sinasaktan din siya nito.’’

“Hindi ako naniniwala. Kung nambababae si Mau e di sana hindi na ito umuuwi. Laging umuuwi si Mau.’’

“Baka po binubugbog.”

“Hindi siguro. Sana narinig ko ang bugbugan dahil madalas ako sa loob ng bahay. Sana narinig ko…’’

Napatango na lang si Gaude.

“Ang kutob ko ngayon, baka may binabalak si  Lyka laban sa akin at kay Mau,’’ sabi ni Lolo Kandoy.

TOTOO ang kutob ni Lolo Kandoy. Nang mga sandaling iyon, sa pinagtataguan ni Lyka, mayroon siyang binabalak. Itutuloy niya ang pagpatay kay Mau at isasama na niya si Lolo Kandoy.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

ITUTULOY

KASTILALOY

LOLO KANDOY

LYKA

MAU

NANG

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with