^

True Confessions

Sinsilyo (107)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘HAHANAPIN ko po ang daga, Tito Mau,’’ sabi ni Gaude.

‘‘Hanapin mo at patayin. Hindi matatahimik si Lyka hangga’t hindi nakikitang patay ang daga. Takot na takot pa hanggang ngayon.’’

‘‘Sige po.’’

‘‘Kailangang ipakita mo sa kanya para maniwala.’’

‘‘Opo.’’

‘‘Bakit kaya may nakapasok na daga sa banyo e mayroon naman tayong screen door. Lagi bang may pumapasok na matanda rito at naiiwang bukas ang pinto.’’

Kinabahan si Gaude. “Wala po!’’

“Kaya ko nga hindi na pinadadaan dito sa salas ang mga matatanda e para wala nang magbubukas at sara ng pinto e mayroon din palang daga na papasok.’’

“Baka po may butas sa kisame, Tito. Kasi po kahit na maliit lang ang butas, puwedeng makapasok kahit malaking daga. Napapaliit po nito ang katawan at nagkakasya sa butas.’’

Nag-isip si Mau.

“Wala namang butas sa kisame. Baka kaya sa kuwarto mo e may butas, Gaude?’’

“Hindi ko po alam. Iinspeksiyunin ko po.’’

“Sige. Kailangang ma­patay mo ang daga.’’

“Opo.’’

Umalis na si Mau at nag­­balik sa kuwarto.

Nang lumabas si Gaude sa kusina, nagtaka siya nang makita roon si Lolo Dune Kastilaloy at tila nakikinig sa pinag-usapan nila ni Tito Mau. Parang matagal na sa kusina ang matanda.

‘‘Anong iniuutos sa’yo ni Mau?’’ tanong ni Kastilaloy.

Atubiling sumagot si Gaude pero baka siya pagsalitaan nang masakit kaya sinagot na rin niya.

‘‘Ipinahuhuli po ang daga na pumasok sa banyo kanina.’’

‘‘Daga? May nakapasok na daga?’’

“Opo. Naliligo po kanina si Tita Lyka nang makita ang daga sa banyo. Takot na takot po. Hindi na raw maliligo sa banyo dahil sa daga. Kailangan daw mahuli ko ang daga, utos ni Tito Mau.’’

Napangiti si Kastilaloy. Parang may naiisip.

“Saan nagpunta ang daga?’’ tanong ng matanda.

“Hindi ko nga po makita. Hinanap ko sa tangke ng inidoro pero wala. Nakalabas siguro.”

Napailing-iling lamang si Kastilaloy.

Pagkatapos ay lumabas na ito.

Naiwang nakatanga si Gaude.

Makalipas lamang ang isang oras ay nagbalik si Kastilaloy sa kanya.

‘‘Halika,’’ sabi nito.

Sumunod siya rito. Lumabas sila sa kusina.

Nang makalabas, ipinakita sa kanya ang isang patay na daga. Malaki.

“Ito na yung daga. Pinatay ko na, tonto!”

(Itutuloy)

vuukle comment

DAGA

KAILANGANG

KASTILALOY

LOLO DUNE KASTILALOY

NANG

OPO

SIGE

TAKOT

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with