^

True Confessions

Sinsilyo (81)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ABA h’wag mo akong pupuin at bata pa ako, di ba Mau?’’ sabi ni Lyka habang nakatingin kay Gaude    na tila nagbibiro.

“Oo nga naman Gaude. Huwag mo nang ipupo si Lyka at batambata pa. May gatas pa nga ito sa labi e – kondensada pa, he-he-he!’’

‘‘Yun ang type mo  ’di ba? Malapot.’’

“Yap!’’

Parang si Gaude ang napahiya sa pag-uusap ng dalawa at akmang lalayo na pero hindi pa pala siya tapos ipakilala ni Mau.

‘‘Magti-teacher kasi itong si Gaude kaya magalang.’’

‘‘Talaga? Mukhang mabait na teacher ito. Ikaw siguro Mau kung naging teacher ka, tiyak na salbahe. Alam ko rin kung ano ang ituturo mo, he-he!’’

‘‘Ano?’’

“Sex education, he-he-he!’’

“Alam na alam mo ha!’’

Aalis na talaga si Gaude dahil siya ang nahihiya sa usapan ng dalawa pero tinanong pa siya ni Mau kung may mga nangyari habang wala siya. Dalawang araw na nawala si Mau.

‘‘Wala naman po Tito.’’

‘‘Okey. Siyanga pala, mamaya, pa-deliver ka ng pagkain ha,” sabi at saka tumingin kay Lyka at tinanong ito, “anong gusto mong pa-deliver?’’’

“Fried chicken, yung spicy at saka fries.’’

“Ano pa?’’

“Yun lang.’’

Bumaling si Mau kay Gaude. ‘‘Order ka ng fried chicken, fries at saka pancit canton.’’

“Opo.’’

Dumukot ng pera si Mau at iniabot kay Gaude.

‘‘Ngayon na ha, Gaude. Tiyak magugutom kami ni Lyka mamaya, he-he!’’

Nakangiti si Lyka at biglang kinurot sa tagiliran si Mau.

Tumango si Gaude at saka lumayo na sa dalawa.

Nagtungo na sa kuwarto sina Mau at Lyka.

Ginawa ni Gaude ang utos, tinungo ang phone at nagpadeli- ber ng pagkain na ini-utos ni Mau.

Makaraang maka-order, hinarap ang paglilinis ng banyo. Kailangang malinis na malinis ang ban­yo dahil may bisita si Mau. Nakakahiya kung nanggigitata ang banyo. Kailangang kus­kusin niya ang libag. Mukhang dito na titira si Lyka. Hula niya, mag­sasama nang tuluyan ang dalawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

AALIS

ALAM

ANO

GAUDE

KAILANGANG

LYKA

MAU

MUKHANG

YUN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with