^

Metro

Health programs, palalakasin sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Target ni Quezon City Mayor Herbert Bautista  na mas palakasin pa ang programa at serbisyong pangkalusugan sa lungsod upang masigurong malusog at ligtas sa sakit ang mga residente dito.

Batay sa ulat noong Marso 31 ng Department of Engineering mayroong anim na health facilities ang natapos nang itayo at kumpunihin samantalang apat  naman na health projects ang ginagawa at tinatapos pa lang.

Kabilang sa mga natapos nang proyektong pangkalusugan ay ang tatlong palapag na Kalayaan Health Center sa Barangay Doña Imelda; ang pagpapaganda sa Batasan Hills Super Health Center; ang pagkumpuni sa Sta. Catalina Health Center at pagsasaayos ng Betty Go-Belmonte lying-in clinic sa Barangay Holy Spirit; ang pagtatayo ng bagong service entrance ng San Vicente Sentrong Sigla at land development ng Balonbato Health Center. 

Gumastos ang city government ng P9.4 milyon para sa pagtatayo ng tatlong palapag na Kalayaan Health Center at P4.9 milyon para sa pagkukumpuni ng Sta. Catalina Health Center.

Ilan sa malapit nang matapos maitayo  at ayusin ay ang Payatas Super Health Center, Bagong Silangan Super Health Center, diagnostic laboratory clinic sa Apolonio Samson at Kamuning Health Centers.

Naglaan din ng P12.6 milyon ang QC government para sa Payatas Super Health Center para sa mas malaking populasyon ng naturang barangay.

Bukod sa health center, may pitong super health centers at lying-in clinics at tatlong  social hygiene clinics ang QC. Magkakaroon pa ng karagdagang laboratory testing facilities, pagkuha ng mga pathologist at pagtatayo ng karagdagang health centers sa lunsod.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with