Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pampublikong paaralan

NAGTAPOS ako sa isa sa mga pinaka-prestihiyoso at pribadong unibersidad ng bansa, ang Ateneo de Manila University, ngunit ang hindi alam ng nakararami, galing ako sa pampublikong paaralan --- ang University of the Philippines Integrated School (UPIS). Doon ako nag-kinder hanggang high school. Dahil binisita ko ang aking paaralan noong nakaraang linggo hindi ko mapigilan ang magbalik tanaw sa aking mga karanasan sa UPIS. Sa UPIS mayroong rule na 60% ng slots ay nakareserba para sa mga anak ng UP employees. At ang nalalabing 40% lamang ang bukas sa publiko. Naaalala ko pa, ang mama at lola ko ang nagdala sa akin sa testing room noong kumuha ako ng entrance test. At si Mama at Ninang naman ang tumingin ng resulta ng exams.

Si Teacher Pat Abanto ang kauna-unahang guro ko noong kinder ako. K-Sampaguita ang seksyon ko. Si Teacher Pat ay cancer survivor. 

Sa UPIS wala kaming tuition. Dahil buwis ng mga Pilipino ang nagpapaaral sa amin. Mayroon kaming binabayaran na 600.00 na mistulang matrikula at PTA fee na P40.00! Ang aming mga workbook ay gawa mismo ng UPIS. Supling ang tawag sa Filipino workbook.

Tanda ko noong nasa elem na ako, lagi akong dinadalhan ng tanghalian ni Mama at Lola, bagong lutong kanin at ulam na mainit pa. Iniiwan yon sa guard sa gate namin para masarap ang kain ko at ganado sa pag-eskwela kahit hapon pa ang tapos ko. At dahil Integrated School walang mayaman at mahirap at walang distinksyon sa relihiyon. May Katoliko, Muslim etc. May kaklase akong anak ng librarian, janitor, apo ng senador at mayaman. Pero pagdating sa klase, pare-pareho ang trato sa amin ng mga guro. Tuwing break time pare-pareho kami ng laro-10/20, tumbang preso, monkey in the middle, langit-lupa. 

Noong Grade 6, gustung-gusto ko mag-try outs sa volleyball team sa high school kaso nakahiwalay ang HS bldg sa campus kaya bawal kaming mga elem na tumawid unless susunduin kami ng HS volleyball players para mag-training. Kaso walang dumarating kaya basketball team na lang ang nag-recruit sa akin. Ako kasi ang pinakamatangkad sa buong batch namin noon. Kaso lang matapos mapanood ng tatay ko ang amin unang laban ay pinatigil niya ako kasi raw para lang kaming naghahabulang buko, hindi naman daw kami nakaka-shoot. Nang tumuntong ako ng first year, nagvolleyball na ako.

Dahil nga State University kami at buwis ng sambayanan ang nagpapaaral, sa donasyon kami umaasa para sa mga iba pang pangangailangan. Halimbawa sa team namin, taun-taon ay nagso-solicit kami ng pera o donasyong mga bola, pang-uniporme, net etc. Siguro kaya rin ako naging cowboy dahil sa UPIS. Sa kinalakihan naming­ environment, paaralan at pamamalakad, walang kaartehan at ang bawat donasyon ay pinahahalagahan namin. Ang volleyball training namin sa damuhan at sementadong basketball court lang na walang silong kaya kapag umuulan ay sa corridors na lang kami nagdidrills.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nakakatuwang magbalik-tanaw. Hanggang ngayon, apat na taon na mula ng magtapos ako ng kolehiyo ay nami-miss ko pa rin ang school lalo na tuwing Hunyo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: