^

PSN Showbiz

Janella bye na kay Elmo, susubukan kay Jameson!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa November 19 na pala ang first shooting day ni Janella Salvador ng bago niyang pelikula sa Regal Entertainment na So Connected sa direction ni Jason Paul Laxamana. Si Jameson Blake ang leading man ni Janella sa nasabing pelikula kaya pahinga muna ang love team nila ni Elmo Magalona.

Tungkol sa isang application sa smartphone ang story ng So Connected, pero dahil hindi kami techie, hindi namin masyadong naintindihan.

Ang target ng Regal, June next year ipalabas ang movie in time sa opening ng classes.

Pamangkin ni Solenn ginamit ang paa sa pagpipinta

Ipinakita ni Solenn Heussaff sa video ang partisipasyon ng pa­mang­­king si Kaeden sa paintings niya na ka­sali sa exhibit na Kalsada. Lahat ng paintings ay may participation si Kaeden gamit ang mga kamay at paa nito. Binuhat pa siya ni Solenn para apakan ang painting at gapangan ito.

Sabi ni Solenn, ang pagsali niya kay Kaeden sa kanyang painting ang paraan ng pagtuturo sa pamangkin on “how to share with others and that people need to work together and not against each other.”

Ang painting exhibit ay hanggang November 5 na lang sa Provenance Gallery sa The Fort. Ang gaganda ng 22 paintings ni Solenn na ginawa niya from 50 to 100 hours.

Nakakabilib nga dahil kahit busy sa taping ng apat na TV shows kabilang ang Alyas Robin Hood 2, All-Star Video­ke, at Taste Buddies ay nakapag-guest pa siya sa All Of You movie nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.

OctoArts tuluy-tuloy na sa local films

Biro ni Orly Ilacad, kaya natagalan ang sequel ng Spirit of the Glass 2: The Haunted ay dahil matagal niyang pinag-ipunan ang pagprodyus sa nasabing movie. Thirteen years nga naman bago nasundan ang unang Spirit of the Glass na naging hit.

Pero ang totoong rason kung bakit natagalan ang sequel ng pelikula ay dahil for the last 10 years, laging may entry ang OctoArts Films sa MMFF at busy rin sa pagdi-distribute ng foreign films. This year, binawasan nila ang budget sa foreign films at magku-concentrate sa pagpo-produce ng local films.

Kaya tatlo ang pelikulang ipalalabas nila this year. Mauuna ang showing ng Spirit of the Glass 2 sa November 1, susunod ang Barbi D Wonder Beki sa Nov. 29 at ang Meant To Beh sa December 25.

Next year, marami pang pelikulang gagawin ang OctoArts Films lalo’t may mga kinontrata silang talents.

Si Ashley Ortega ay nasa cast ng Spirit of the Glass 2 at sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, at Kim Domingo ay kasama naman sa cast ng Barbi D Wonder Beki.

Ellen tinapos na ang bakasyon nila ni John Lloyd, rarampa sa fashion show

Nakita namin ang list ng mga rarampa sa Bench Under The Stars ng Bench sa November 18 sa MOA Arena. Marami sa rarampa ay Kapamilya at Kapuso talents, may models at beauty queens at marami ring first timer.

Rarampa ang mag-ex na sina Lovi Poe at Rocco Nacino at magkikita-kita rin sina Ruru Madrid, ang ka-love team na si Gabbi Garcia at ang nali-link kay Ruru na si Cynthia Tomalla na Miss Eco Philippines.

Rarampa rin sina Maxine Medina, Winwyn Marquez, Ara Arida at members ng Philippine Volcanoes. Kasama rin ang controversial na si Ellen Adarna, at sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Richard Gutierrez at marami pang iba.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with