^

PSN Showbiz

Hasmine waging best actress, ‘di nasipot ang Urian!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Young actor Idini-display ang sports car na bigay ng dyowang bading!

PIK: Napansin uli ang galing ng indie actress na si Hasmine Killip na bida sa pelikulang Pamilya Ordinaryo. Wagi ito ng Best Actress sa Gawad Urian kamakalawa ng gabi.

Nasa London nga lang si Hasmine at kakapanganak kaya hindi niya personal na natanggap ang naturang parangal.

Ayon sa ilan source na nakatsikahan namin, si Nora Aunor daw ang isa sa mahigpit na kalaban ng baguhang aktres. Dapat nga raw ay darating si Ate Guy, pero natunugan na raw na hindi siya ang magwawagi kaya hindi na ito tumuloy.

PAK: Diretso ang sagot ni Binibining Pilipinas Mariel de Leon sa mga namba-bash na hindi nila type ito na maging leading lady ni Coco Martin sa pelikulang Ang Panday. Nagseselos yata ang ibang fans at baka mas type nilang si Julia Montes ang maka-partner nito.

Sagot ni Mariel, “There’s nothing they can do about it anymore. Sana na lang they just support na lang.”

Nakapag-shoot na si Mariel sa naturang pelikula at nag-i-enjoy naman daw siya, at ramdam niyang inalagaan siya nang mabuti ni Coco.

“It was really fun.

“Coco was really nice to work with. He’s down to earth,” pahayag pa ni Mariel.

Lagi raw sinasabi ni Coco sa kanya na gustung-gusto nilang maging maganda ang kalalabasan nitong pelikula.

BOOM: Kung makikita n’yo ang sikat na guwapong young actor sakay ng bago niyang sports car, mapagdudahan talaga kung saan ito nanggaling. Kasi naman, bigay daw ito ng influential at madatung na bading na nali-link sa kanya ngayon.

Tsismosa lang talaga ang peg ng pagkakuwento ko sa inyo, kasi nga pinagtsitsismisan naman talaga sila.

Sipatin n’yo raw ang mamahaling sports car na gamit ni young actor. May koneksyon daw kay bonggang bading ang logo ng kotseng iyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with