^

PSN Palaro

Celtics dumiretso sa ika-15 sunod

Pilipino Star Ngayon
Celtics dumiretso sa ika-15 sunod

Padakdak si Kyrie Irving ng Celtics sa kanilang laban ng Hawks.

ATLANTA - Pinapahalagahan ni Kyrie Irving ang tinatawag niyang “the innocence of the game” sa itinalang 15-game winning streak ng Boston Celtics.

Sa kanyang unang season para sa Celtics matapos humiling ng trade mula sa Cleveland Cavaliers ay hindi naitago ni Irving ang kanyang kasiyahan.

“Most of us have never been on a winning streak like this,” ani Irving. “I don’t know if we even know how to pay attention to all the hoopla that goes on in terms of the excitement of it. I just think that every single game we take it as a challenge.”

Humataw si Irving ng 30 points, habang nagdagdag si Jaylen Brown ng career-high 27 para pangunahan ang Celtics sa 110-99 paggiba sa Hawks.

Sa loob ng 31 minuto ay nagposte si Irving ng 10-of-12 fieldgoal shooting kasama ang limang three-pointers at 5-of-5 clip sa free throw line.

Dala ang 15-2 record, nangunguna ang Boston sa NBA na naduplika ang best start sa franchise history ng Celtics.

Ang nasabing winning streak ang fifth-longest ng Boston, apat na panalo ang agwat sa 2008-09 team na naglista ng franchise mark.

Umiskor naman si Dennis Schroder ng 23 points kasunod ang 19 markers ni Kent Bazemore para sa Atlanta.

Ang Hawks ay may Eastern Conference-worst na 3-13 baraha at nangga­ling sa 46-point victory kontra sa Sacramento Kings.

Binura ng Celtics ang isang 16-point deficit para kunin ang kanilang kauna-unahang bentahe mula sa triple ni Brown sa gitna ng third period.

Sa iba pang resulta, niresbakan ng Golden State Warriors ang Philadelphia 76ers, 124-116; pinabagsak ng Utah ang Orlando, 125-85; binigo ng Houston ang Memphis, 105-83; tinalo ng Dallas ang Milwaukee, 111-79; dinaig ng Portland ang Sacramento, 102-90 at pinatumba ng Charlotte Hornets ang Los Angeles Clippers, 102-87.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with