^

PSN Palaro

Lady Bulldogs, Tigresses unahan sa 1-0 lead

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Lady Bulldogs, Tigresses unahan sa 1-0 lead
The NU Lady Bulldogs dealt UST its first loss in the UAAP Season 86 women's volleyball tournament.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Sasampa ulit sa UAAP Finals ang National Univer­sity kaya iniisip ni Lady Bulldogs star player Bella Belen na mas magiging ma­­sipag at matiyaga sila ngayon na kanilang natutunan sa nakaraang season.

Nakatakdang magba­natan ang NU at University of Santo Tomas sa Game One ng kanilang best-of-three finals ng 86th UAAP women’s volleyball tournament sa Araneta Coliseum.

Magsisimula ang hatawan ngayong alas-4 ng hapon.

“Natutunan ko noong last two seasons is iyong pagtatrabaho at pagtiyaga kasi wala talagang makukuha sa madalian lang,” sabi ng Season 84 ROY-MVP na si Belen.

Ito ang ikatlong beses na sasampa sa UAAP Fi­nals si Belen kaya naman pinaalalahanan nito ang kanyang mga kakampi sa mga natutunan sa nakarang championship games.

Napahirapan ang Lady Bulldogs bago sumampa sa championship round.

Talo sila Far Eastern Uni­versity Lady Ta­­maraws sa semifinals ma­buti na lamang at may tangan silang ‘twice-to-beat’ incentive.

Bumida si Be­len sa ‘do-or-die’ game kontra FEU at naigiya sa pa­nalo ang NU matapos ire­histro ang 21 points mula sa 16 attacks at limang service aces bukod sa 14 digs.

Babanderahan ni Be­len ag Lady Bulldogs, habang si Detdet Pepito ang gigiya sa Gol­den Tigresses.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with