^

PSN Opinyon

Social media Hinihigpitan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MABILIS umunlad ang Internet nu’ng dekada-’80 hindi lang dahil kina technologists Bill Gates at Steve Jobs, kundi pati mga junk mailers at pornographers. Kaya hindi nakakapagtaka na, nang sumibol ang social media nu’ng mga sumunod na dekada, mabilis din ito pinasok ng cybercriminals na nagnanakaw ng identity, nanlalanse, at nagbebenta ng laman. Sinikap ng search engines tulad ng Yahoo at Google, at social networks tulad ng FaceBook, YouTube, at Twitter na i-pulis ang mga sariling weblinks. Alam nila na kung hindi nila maprotektahan ang mga subscribers at publiko, makikialam ang mga gobyerno.

Pero mabagal ang mga Internet at social media admi­nistrators. Umabante pa rin ang child pornography at terrorist websites. Nakakubli kasi ang mga ito sa likod ng animo’y relihiyosong grupo. At hindi gan’un kadali ihiwalay ang mga blog na naghihikayat mambomba sa mga lehitimong balita tungkol sa aktuwal na bombahan.

Nagalit tuloy ang mga gobyerno sa Europe at America. Simula 2012-2013 isa-isa sila nagpataw ng milyun-mil­yong euro o dolyar na multa kapag, halimbawa, hindi alisin ng search engine o video host ang child pornography sa loob ng anim na oras mula nang iangal ang opensibong website. At mula 2015 nagpataw na rin ng multa kapag nag-host sila ng links at blogs na lantarang terorista, nanghihikayat ng karahasan, at nanlalait ng kasarian o sampalataya.

Pero may bagong kalokohan ngayon sa social media. Ito ang pag-a-advertise at pagbabalita ng paulit-ulit na propaganda. Nadiskubre sa America nu’ng nakaraang presidential election ang daan-daang ads at fake news na ipinaskel ng Russian intelligence sa Facebook, YouTube, at Google. Naimpluwensiyahan ang mga botante.

Magbubunsod ito ng lalong paghihigpit. Kasi, sa pamamagitan ng artificial intelligence, magagamit ang social media sa thought control. Mapapabili ka ng produkto o papatay dahil sa paulit-ulit na sabi-sabi.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with