^

PSN Opinyon

Ang ‘pet peeve’ ni Duterte

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BAGO pa simulan ang 31st ASEAN Summit noong nakaraang linggo, nagpauna na si Presidente Duterte na kapag siya’y inusisa ng UN Rapporteur na si Agnes Callamard tungkol sa extrajudicial killings sa bansa, sasampalin niya ito. Talagang kapag naririnig ng Pangulo ang mga salitang EJK at human rights violations, kumukulo ang dugo niya. Ito ang kanyang matatawag na “pet peeve.”

Sa nakalipas na bilateral talks ng Pangulo kay US President Donald Trump, sinabi ng Malacañang na hindi natalakay ang kontrobersyal na paksa sa human rights bagamat sa panig ng US government, sinabi sa kanilang opisyal na pahayag na bahagyang nabuksan ang usapin sa pag-uusap.

Ngunit sa pakikipagpulong niya kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Binuksan ng dumadalaw na Canadian leader ang paksa, bagay na ikinairita ng Pangulo.

Anang Pangulo, “nainsulto” siya sa naging pahayag ng Canadian Prime Minister na nakababahala ang mataas na bilang ng mga napatay sa anti-drug war ng administrasyon.

Anang Pangulo sa kanyang press conference, hindi niya kailangan ang magpaliwanag dahil siya ay iniluklok ng mga Filipino at sasagot lamang siya sa mga mamamayan.

Para sa akin, isang world leader ang Pangulo, gustuhin man niya o hindi. Nakatutok at nakamasid ang mata ng lahat ng bansa sa Pilipinas kung kaya nakapapagod man, dapat siyang magpaliwanag sa lahat ng kapwa leader niya na magtatanong sa isyu.

Nauna rito,  sinabi ni Trudeau sa isang press confe-rence sa International Media Center na ipinaabot niya kay Pangulong Duterte sa kanilang meeting ang ukol sa isyu extra judicial killings. Para sa akin, obligadong sumagot ang Pangulo para maipakita sa mata ng daigdig ang inaakala niyang totoong nangyayari sa ating bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with