^

PSN Opinyon

Steak commando sa Netherlands

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KOREK ang patudsada ni Presidente Rodrigo Duterte. Dapat umuwi sa Pilipinas si Communist Party founding chair Jose Ma. Sison at manguna sa pakikipaglaban ng mga rebolusyunaryong New Peoples Army, imbes na nagpapasarap sa the Natherlands.

Noong 1986, simula nang maupo si Presidente Co­razon Aquino bilang Pangulo at pinalaya ang mga pa­ngunahing communist leaders, kasama si Sison, nagtu­ngo na sa Netherlands ang lider-komunista para humi­ngi ng political asylum. At doon na siya tumanda.

Maganda ang layunin ni Cory na makipagkasundo sa mga makakaliwang rebelde pero wa-epek. Lalung naghimagsik ang mga komunista. Kabi-kabila ang gina­wang pagpatay ng kanilang hit squad na sparrow unit sa mga sinasabing tiwaling alagad ng batas.

Patuloy din ang pang-aambus ng mga NPA at pango­ngotong sa mga taumbayan na sinasabi nilang ipinagla­laban nila. Pinipigilan nila ang pagsasagawa ng mga development projects na pakikinabangan ng mga mamamayan.

Mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas at tumanda na si Sison, kasama ang dating pari na si Jalandoni na pinuno ng National Democratic Front na naroroon din at komportableng kukuyakuyakoy sa Netherlands. Nanu­nuyo sila sa mga pamahalaang kaisa nila ng pilosopiya para bigyan sila ng pondo, pero ano’ng pakinabang ang nakararating sa kanilang mandirigma? Wala!

While the NPA rebels put their lives at stake, sila naman ay panay ang kain marahil ng steak sa kanilang kina­roroonan.

Kaya ani Duterte,  kung sadyang isang tunay na revolutionary leader si Sison ay dito siya makipaglaban sa Pilipinas at huwag magpasarap sa Netherlands.

Marahil, nag-iisip na rin ang mga mandirigma nila sa bansa na panay ang pasarap ng kanilang leader habang sila ang nahihirapan kaya sa kabila ng peace negotiations, hindi sila mapasunod na itigil ang bakbakan.

Kaya sa tingin ko, aksaya lamang ng pera at oras ang peace negotiations kaya huwag nang ipagpatuloy pa ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with