^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kung mawawala ang mga bulok na dyipni

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kung mawawala ang mga bulok na dyipni

WALA nang makapipigil pa sa balak ng pamahalaan na imodernisa ang mga public utility vehicle at kabilang dito ang mga jeepney na karamihan ay 15 taon nang payaut-yaot sa kalsada. Papalitan na ang mga bulok na jeepney na hindi lamang peligro ang idinudulot sa pedestrians kundi lumalason pa sa kapaligiran dahil sa ibinubugang maitim na usok.

Kaya kahit magsagawa pa nang mga kilos protesta at tigil pasada ang transport group, hindi na matitinag ang pamahalaan.

Nang magsagawa ng protesta at transport caravan ang samahan ng mga jeepney driver at operators sa ilang lugar sa Metro Manila noong isang linggo, hindi naman naapektuhan ang mamamayan. Balewala lang. Marami na kasing nasasakyan ang riding public. Kaya kung magsasagawa pa ng mga protesta at tigil-pasada, hindi na ito papansinin.

Mariing kinokondena ng transport group ang pag-phase out sa mga jeepney. Hindi raw ito ma­katao. Dapat daw i-rehabilitate ang mga jeepney para hindi mawalan ng ikabubuhay ang mga dri­ver. Saan daw sila kukuha ng ipakakain sa kanilang pamilya. Marami raw silang pinag-aaral at sa pagpapasada lamang ng jeepney umaasa.

Ang mga kakarag-karag na sasakyan kasama ang mga jeepney ang nagdudulot ng grabeng pollution sa Metro Manila at karatig na siyudad.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), 80 porsiyento ng emissions o usok ay galing sa mga tambutso ng sasakyan particular sa jeepneys. Sila ang lumalason sa hangin na dahilan ng pagkakasakit ng mga tao. Ang mga sakit na nakukuha ay pulmonya, bronchitis, asthma, istrok at atake sa puso.

Ang mga lumang jeepney din ang dahilan ng mga malalagim na aksidente sapagkat depektibo ang preno at inaararo ang pedestrians at mga bahay. Marami nang buhay na nasayang dahil sa mga karag-karag na jeepney. Bukod dito, karamihan sa jeepney driver ay mga abusado at laging lumalabag sa batas-trapiko.

Pirmado na ang modernisasyon para sa public utility vehicle at nangako naman ang gobyerno na tutulungan ang driver at operators para makabili ng jeepney na eco-friendly. Kung mawawala ang mga bulok na jeepney, mababawasan ang mga aksidente at mawawala ang air pollution.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with