^

PSN Opinyon

Palit-ulo

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ISANG pandaigdig na patakaran na hindi dapat makipag­kasundo ang alinmang pamahalaan sa mga terorista. Kahit sarili nating bansa ay hindi ubrang labagin ito. Kaya nga kailanman ay hindi umayon ang pamahalaan na magkaloob ng ransom kapalit ng paglaya ng mga taong binibihag ng mga teroristang grupo tulad ng Abu Sayyaf, at ngayon, ng Maute-ISIS group.

Kung mayroon mang nagbigay ng ransom sa mga binibihag ng mga terorista noong araw, labas na riyan ang pamahalaan kundi tanging mga pribadong grupo lamang. Marahil, may mga taong-gobyerno na namamagitan ng palihim, ngunit kailanman, ito ay hindi itinuturing na opisyal na hakbang ng pamahalaan.

Kasi, kapag umoo ang pamahalaan sa ganyang mga kondisyon ng mga terrorist groups, parang binibigyan ng status of belligerency ang mga grupong iyan. Ibig sabihin­, binibigyan ng pagkilala ang kanilang ipinaglalaban kahit mali.

Kaya naman agad tinanggihan ng Malacañang at ng Armed Forces of the Philippines ang sinasabing alok ng Maute-ISIS group na “palit-bihag.” Ibig sabihin, palala­yain ang mga hostage na hawak nito kapalit ng pagpa­palaya ng pamahalaan sa mga magulang ng Maute Bro­thers.

Isa pa, may mga kinakaharap ding kasong criminal ang Ina at Ama ng Maute brothers kaya walang dahilan para sila palayain nang ganun-ganun na lang. 

Ang mga magulang ng Maute brothers ay kabilang sa mahigit 300 personalidad na may arrest order ni Defense­ Secretary Delfin Lorenzana alinsunod sa idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao Region.

Kaya tumpak lang ang ginawa ng pama­halaan. Kailan man ay hindi dapat bigyan­ ng alas ang mga terorista. Walang ideyo­lohiya at karapatang ipinaglalaban ang mga iyan matangi sa paghahasik ng lagim.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with