^

PSN Opinyon

Teknikal na tulong lang daw

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ILANG beses nang narinig na malapit nang matapos ang krisis sa Marawi at maging malaya muli sa mga teroristang Maute na lumusob noong Mayo. Ang nais ng militar ay maitaas ang bandila ng Pilipinas ngayong Araw ng Kalayaan, para ipakita na hindi nakuha ng ISIS ang Marawi. Pero hindi ito ganun kadali. Labintatlong Marines ang namatay habang inililigtas ang mga naipit na sibilyan. Ang mahirap ay ginagawang panangga ng mga terorista ang mga sibilyan, at nagtatago pa sa mga mosque. Parang mga anay na nagtatago sa mga suluk-sulukan ng bahay. Sa madaling salita, hindi basta-basta makalusob ng todo ang mga sundalo dahil sa mga sibilyan, at para na rin hindi masira ang mga banal na gusali. Hindi patas lumaban ang mga terorista. Pero ano pa ba ang aasahan sa mga iyan?

Naglabas na rin ng pahayag ang US embassy na tumutulong na ang ilang Amerikanong sundalo. Hiniling umano ng gobyerno ng Pilipinas ang tulong, kaya ibinigay. Ayon naman sa AFP, teknikal lang ang tulong ng mga Amerikano, at hindi sangkot sa labanan mismo dahil bawal sa Konstitusyon. May lumipad na ngang P-3 Orion na eroplano sa Marawi, malamang para makakuha ng impormasyon hinggil sa mga kinalalagyan ng mga terorista. Kung ano man ang tinutulong ng mga Amerikano, magpasalamat naman kaya si President Duterte sa kanila, o mamaliitin, o baka pintasan pa dahil galit siya sa mga Amerikano.

Naglaan ng P10 bilyon ang gobyerno para sa rehabilitasyon ng Marawi, na napakalaki na ng danyos dahil sa krisis. Pero hindi pa nga masisimulan ito kung hindi pa ligtas ang Marawi mula sa Maute. Kung kailan mangyayari ito, wala na talagang makapagsabi. Kung nakakakuha pa rin ng suporta ang Maute mula sa ilang sibilyan sa Marawi, mahirap nga naman para sa militar. Kung pan­samantalang maging malaya naman ang Marawi, baka naman nag-iipon lang ng lakas ang mga terorista bago sumalakay muli. Kaya dapat lang ay madurog na, para hindi na makalusob, manggulo at manakot muli.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with