^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pati Rizal Park ay ginawang basurahan

K KA LANG? - Pilipino Star Ngayon

IPINAGDIRIWANG ngayon ang ika-120 anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal. Binaril siya sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta o Rizal Park) noong Disyembre 30, 1896. Ang kanyang kamatayan ang nagpasiklab sa rebolusyon. Ang pagbubuwis niya ng buhay ang naging mitsa para hangaring makalaya sa mga mananakop na Kastila. Pero sa ginagawa ngayon ng ilang Pinoy na pagkakalat ng basura sa parke na kinaroroonan ng kanyang monumento, hindi na siya iginalang. Isang paglapastangan sa kanyang pangalan ang pagkakalat nang maraming basura. Ipinakita rin ng mga taong ito ang kawalan ng disiplina.

Noong bisperas ng Pasko, dumagsa ang mara­ming tao sa Luneta. Doon na sila nagpalipas ng gabi at nagselebreyt ng Pasko. Kinabukasan, Disyembre 26, tumambad ang napakaraming basura na nagkalat sa buong Rizal Park. Mga basurang plastic ang naroon --- plastic na supot, cup ng noodles, plastic bottle, styro, kaha ng sigarilyo, carton box ng fried chicken, dahon ng saging, plastic na kutsara’t tinidor, 3-in-1 coffee sachet, aluminum foil na pinagbalutan ng litson, kaha at upos ng sigarilyo at ma­rami pang basura na pawang hindi natutunaw (non-biodegradable). Ayon sa National Parks Deve­lopment Committee (NPDC) mas marami ang nakuhang basura ngayon kaysa sa mga nakaraang taon. Ilang trak ng basura ang hinakot mula sa Rizal Park.

Walang disiplina ang mga taong nagtungo sa Rizal Park para magselebreyt ng Pasko. Alam nilang mali na iwanan sa parke ang basura subalit ginawa pa rin nila. Hindi na nakapagtataka kung magkaroon nang malalaking baha sapagkat mga tao na rin ang gumagawa. Ang mga basurang itinapon ang nagpapabara sa mga daanan ng tubig na nagdu­dulot ng grabeng pagbaha. Isang halimbawa ay ang Bagyong Ondoy na pawang basura ang nakitang nakabara sa mga imburnal.

Ang mga basura kapag hindi agad nakolekta ay maaaring tangayin ng hangin at dalhin sa Manila Bay. Kapag may bagyo at malalaki ang alon, isusuka uli ito ng Manila Bay sa Roxas Blvd.

Bukas, Disyembre 31, siguradong dadagsa na naman ang mga taong walang disiplina sa Rizal Park. Tatambakan muli nila ng basura ang parke. Matututo naman kayong igalang ang Pambansang Bayani.

vuukle comment

DR. JOSE RIZAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with