^

PSN Opinyon

Relasyon ng NBI at PNP nagkalamat

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HUMILAB ang sikmura ng mga human rights advocates sa pahayag ni President Rodrigo Duterte na hindi niya papayagang makulong ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa Sr at Raul Yap. Nag-uudyok lang ito ng kalituhan sa mga biktima ng riding-in-tandem na pumapatay sa mga pinaghihinalaang sangkot sa ipinagbabawal na droga. Maging ang relasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ay nagka lamat matapos na isampa ang kaso sa 21 miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region-8 sa pangunguna ni Supt. Marvin Marcos. Sa kabila kasi ng pahayag ni President Rody na sagot niya ang mga pulis ay itinuloy pa rin ni Department of Justice secretary Vitalliano Aguirre ang kaso sa CIDG operatives at apat pang personalidad.

Saan kaya hahantong ang isinampang kaso kung mismong si President Rody ay nagpapakita ng suporta sa mga pulis na may kagagawan sa pagkamatay ni Espinosa at Yap habang nasa Baybay Provincial Jail? Kung inyong matatandaan, noong Nob. 5 ng madaling araw ay pinasok ng mga tauhan ni Marcos pinagkukulungan nina Esinosa at Yap matapos disarmahan ang mga jailguard. Pinaupo na nakaharap sa pader at sinira ang kandado ng main gate. Maging ang mother board ng CCTV ng jail na sana’y susi sa insidente ay nawawala kaya ang hinala, “rubout’’ ang nangyari.

Kung sabagay may kasabihan tayo na ang isang adik ay hindi dapat na paniwalaan ang testimonya. Katulad nitong mga salaysay ni Kerwin Espinosa na nagdidiin kay Marcos na kaya pinatay ang kanyang ama ay dahil tumanggap din ito ng P3 milyon noong namamayagpag pa ang drug operation sa Region-8. Siyempre hindi mawawala ang alinlangan ang mga senador sa salaysay ni Kerwin dahil dati nga itong gumagamit ng droga hanggang sa maging drug distributor sa panahon na namamayagpag pa ang kanyang pinaslang na ama. Subalit kahit na pagdidiinan man ni Kerwin sa harap ng mga senador na pinatay nga ang kanyang ama upang mapuwersa siyang ilahad ang mga taong nasa likod ng kanyang drug activities.

Bagamat nabigo ang mga senador na paggisa kay Kerwin may mga inpormasyon namang napulot sa kanya na maggigiya sa paghabol sa mga narco-general at narco-politician. Ang masakit lang matapos mailagay sa prevented restriction si Marcos ay naibalik pa ito sa serbisyo. Hanggang saan naman kaya ang pamamayagpag ng mga kasangkot sa pagpatay kay Mayor Espinosa kung walang puknat ang pagbatikos ng human rights advocates?

Maging si PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa  nakakaladkad sa iskandalong ito. Kayo na humusga mga suki! Weder-weder lang yan ika nga. Ngunit may paalala sana ako kay chief “Bato”, dapat din sigurong imbestigahan itong mga pulis sa pagbalewala sa paghabol sa mga riding-in-tandem at vigilantes na pumapatay sa patraidor na pamamaraan. Panahon na upang rebisahin ang mga log book ng police unit kung may pagkilos ba sila para mapigilan ang patayan na kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem at vigilantes. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with