^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag matakot i-report ang mga korap sa gobyerno

Pilipino Star Ngayon

HINIHIKAYAT ni Pres. Rody Duterte ang mamamayan na isumbong o ireport sa kanya ang mga corrupt na taong gobyerno. I-text ito sa Mala­cañang hotline at i-eere ang reklamo sa telebisyon tuwing umaga. Isang bagong programa umano sa PTV4 ang kanyang bubuksan para maiparating ang mga reklamo at agad niya itong aaksiyunan.

Ganito raw ang kanyang ginawa noong siya pa ang mayor sa Davao at nawala ang mga tiwali sa city hall. Lahat daw ng mga korap ay naipabatid sa kanya kaya walang nangyaring katiwalian doon. Ang mga nagta-transact para makakuha ng business permit ay nakukuha sa loob lamang ng tatlong araw sapagkat walang mga korap na nagpapahirap. Wala raw pila sa pagkuha ng mga dokumento o ano pa mang papeles.

Sabi pa ng Presidente, kailangan niya ang tulong ng mamamayan para ganap na madurog ang katiwalian sa mga tanggapan ng pamahalaan. Hindi raw dapat matakot ang mamamayan sa pagsusumbong sa mga korap sapagkat kung matatakot, paano malulutas ang katiwalian.. Wala raw dapat gawin kundi i-text sa kanya ang pangalan ng mga taong sangkot sa katiwalian, anong tanggapan at ano ang dahilan ng korapsiyon. Personal daw niyang tatawagan ang taong nirereklamo at gagawa siya ng aksiyon.

Maganda ang hakbang na ito ni Duterte. Kung tunay ang kanyang sinasabi na aaksiyunan agad ang reklamo, maraming masisiyahan at magtiti­wala. Ngayon lamang magkakaroon ng katapat ang mga gumagawa ng katiwalian. Sa loob nang matagal na panahon, walang mga naging Presidente ang nagbalak ng ganito. Walang nakitaan ng pagka­galit sa mga corrupt at bagkus, kinunsinti pa.

Nararapat namang simulan agad ang kampanyang ito. Kailangang marinig na ang mga reklamo ng mamamayan sa mga mapagsamantala sa mga tanggapan ng pamahalaan. Putulin ang pangil at sungay ng mga korap.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with