^

PSN Opinyon

Presscon ala Digong

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

Marami ang namangha sa style ni President Duterte sa kanyang mga press conferences na karaniwang nagaganap dito sa Davao City.

Ito ay dahil nga tinataon niya ito kung hindi hatinggabi, kadalasan ay madaling araw na. 

Ang hindi alam ng lahat ay pinapatawag kami sa press conference nya kunwari alas diyes ng gabi, maghihintay pa kami nyan dahil nga ala-una na ng madaling araw na siya magpapakita sa amin.

At  noon namang hindi pa kami nag ‘i boycott you, you boycott me’ sa pagitan ng Pangulo at ng media, nasa garahe na kami ng Department of Public Works and Highways equipment depot naghihintay simula hapon hanggang madaling araw kung kailan na pupuwede ang Pangulo sa kanyang press conference. 

Minsan nga maglalaro na lang kaming mga reporters, tinatagpi-tapi namin ang mga upuan at may natutulog na sa amin at kadalasang biro namin ay kung presscon ba o lamay ang aming dinadaluhan. May magdadala na raw  ng baraha para hindi kami antukin.

Nasanay na rin kami sa kanyang dis-oras na mga presscon na alam naming napupuyat din ang libu-libo nating mga mamamayan na nag-aabang sa live-feed sa PT4 or sa RTVM. 

Wala tayong magawa at inaabangan talaga ang bawa’t galaw at sasabihin ni Pangulong Duterte.

Sanayan lang ‘yan, ika nga. 

At nasanay na rin kami sa puyatan dahil nga pag-araw naman ay ginagawa na namin ang mga news stories namin na hango sa nagdaang pinakabago  niyang presscon.

Totoo lahat ng PI lumalabas tuwing presscon niya lalo na pag galit siya. 

Ngunit, to be honest, ngayon lang din ako nakaka-cover ng Pangulo na diretsahan kung sumagot sa kung ano mang tanong. 

Ang ibig kong sabihin ay nasanay kasi kami sa presidential visits noon ng ilang nakaraang pangulo na kung saan ang structured masyado ang press conferences at kailangan pang mag submit kami ng questions namin two or three days ahead of time para masagot nga ng pangulo ng tama ang bawat tanong.

Kadalasan nga noon ay nangyayari sa amin ay question reader na lang --- kasi nga pinapabasa na lang sa amin ang prepared questions ng Malacañang na ibig sabihin ay parang planted na ang mga tanong. 

At ang mga press conferences noon ay parating dinadaluhan ng mag Cabinet Secretaries na silang katuwang sa pagsagot nga mga tanong kung tingin nila ay kulang ang mga nasabi ng mga nagdaang pangulo.

Ngunit iba ang kay Pangulong Duterte--- hindi structured ang mga press conferences at hindi required ang reporters na mag submit ng questions in advance. 

‘Come what may, as is, where is’,  ang mga presscon ni Duterte. Magtatanong ang reporter at sasagutin niya ora orada, quesehoda kung ano man ang itatanong. 

At kadalasan ang mga presscon ni Pangulong Duterte ay nagaganap dito sa Davao City kung saan wala siyang paltang umuuwi tuwing weekend. 

At nitong huli umalis siya ng Linggo ng gabi rito patungong Maynila at heto na bumalik agad Miyerkules pa ng gabi. 

At pagbalik na pagbalik nga nagpatawag agad ng press conference sa gitna ng daan na tinapos niya sa isang fruit stand sa Magsaysay Park kung saan niya inimbitahan ang mga sundalong patungong Sulu sa isang unli-durian na kainan. 

Presscon ala Digong  pa more.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with