^

PSN Opinyon

Drug matrix

BANAT NI BATUIGAS - Pilipino Star Ngayon

NAGIMBAL ba kayo sa siniwalat  ni Pres. Rodrigo Duterte sa New Bilibid Prisons drug link matrix? Marahil marami sa inyo ang hindi makapaniwala dahil ang tinutumbok ni President Rody ay si Sen. Leila de Lima. Kasi nga noong panahon ng Aquino administration. pinangunahan ni De Lima ang pagsalakay sa mga kubol ng mga drug lord na nagresulta ng pagkasamsam ng limpak-limpak na salapi, droga, baril, communication gadgets at appliances. Maa-ring si De Lima lamang ang babaing may lakas ng loob na pasukin ang garrison ng mga pusakal at drug lords. Kaya nagresulta ito sa paglipat ng 19 very important prisoners sa detention cell ng National Bureau of Investigation na sa kalaunan ay muling ibinalik sa NBP compound sa bagong ipinatayong dormitory. Ngunit mukhang nag-iba ang takbo ng panahon ngayon sa kanyang ika-57th  birthday celebration matapos tukuyin ni President Rody ang malagkit na pinagsamahan nina De Lima at ng drayber nitong si Ronnie Dayan, hehehe!  Ito ang simula ng kalbayong pinapasan ngayon ni De Lima dahil sa Matrix lumitaw na bagman itong si Dayan.

Maraming personalidad pa ang lumutang na kinabi-bilangan nina former Justice Undersecretary Francisco “Tot” Baraan, Provisional Administrator Raffy Baraan, General Franklin Bucayu, Pangasinan District Board Member Raul Sison at Congressman Amado Espino. Kung tinatawanan man ni De Lima ang akusasyon ni President Rody  umaatungal naman at  tumatangis  itong nakaladkad na personalidad dahil nasira ang kanilang kredibilidad sa madlang people. Maging ang dalawang mansyon kuno ni Dayan sa Urbiztondo, Pangasinan ay naungkat at tahasang pinuntirya ni President Rody na galing sa mga drug lord payola. Mukhang hindi pa tapos itong pagbubulgar ni President Rody dahil maging itong si Waren Cristobal na dating MMDA motorcycle escort ay karelasyon din umano ni De Lima. Wow! mukhang personalan na ito, di ba  mga suki? Ang masakit habang unti-unting kinakabkab ni President Rody ang mga ‘narco politician’ patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa bansa na inaanggulo sa droga. Sa pagtala kasi ng Philippine National Police umaabot na sa 1, 250 pushers/users ang napatay sa pakikipag-engkuwentro sa mga pulis.

Masikip na rin ang mga kulungan dahil sa walang humpay na drug operation. Umabot na sa 1,600,00 pushers/ushers na ang sumusuko na ang karamihan sa mga ito ay ibinalik sa pagsubaybay ng mga barangay official dahil sa kawalan ng pasilidad ng Duterte Administration. Kaya ang panawagan nitong aking mga kausap, apurahin ang pagsampa ng kaso sa mga ‘narco politician’ kabilang na siyempre diyan ang nasa Matrix ni Duterte upang itong mga buraot na pushers/users ay makaramdam ng patas na hustisya. Kasi habang tumatagal itong pukulan ng baho sa ere patuloy din ang pananamantala ng ‘vigilante group’ at riding-in-tandem na ikinasisira ng PNP. Habulin mo PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa ang mga vigilante at riding-in-tandem na sumisira sa maganda mong trabaho. Samantala kung diring-diri na kayo sa patayan may mga pulis pa naman tayong gumaganap ng kanilang trabaho na walang bahid ng dugo, ito’y kung hindi nanlalaban. Katulad nitong ginawang pag-aresto ni C/Insp. Willy Sy ng CIDG Manila sa isang kilabot na drug Pushers ng Tondo na si Ariel Bautista, alias “ Aye” Commando Gang. Kayat ang payo sa mga pushers/users sumuko na kayo at talikuran ang droga nang maiwasan si kamatayan. Dahil hindi kayo tatantanan ni President Rody na galit na galit sa operasyon ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with