^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pangitain nang mas matindi pang karahasan?

Pilipino Star Ngayon

MAY mga kandidatong tinatambangan at binabaril. Mayroong niraratrat habang nangangampanya. Mayroong nasa harap ng bahay at walang anumang binabaril ng riding-in-tandem. Mayroon pang kandidato na nakikipag-usap lamang sa kanyang campaign manager ay walang sabi-sabing nila­pitan ng isang lalaking naka-jacket at binaril sa ulo.

Ilan lamang iyan sa mga nangyayaring krimen habang papalapit ang eleksiyon. Gumagamit ng dahas para mapigilan ang kalaban sa pulitika. Ginagawa ang lahat nang paraan para hindi mamayani ang kalabang kandidato. Pero mas matindi ang nangyayari sa Maguindanao kung saan tinatakot ang mga botante para mapigilan ang pagdaraos ng eleksiyon sa Mayo 9. Noong Miyerkules, anim na public schools sa Sultan Mastura, Maguindanao ang pinasabog at hindi na maaaring gamitin bilang polling precincts. Ginamitan ng shoulder-fired grenades at anti-tank rockets ang mga school para si­guradong mawawasak at hindi na pakikinabangan sa nalalapit na election. Mabuti na lamang at walang namatay o nasugatan sa pambobomba. Problema ngayon kung saan mag-aaral ang mga estudyante sa darating na Hunyo 13.

Hindi naman matukoy ang grupong nasa likod ng pambobomba. Malaki ang paniniwala na muling sasalakay ang grupo para maghatid ng karahasan at tuluyang hindi matuloy ang eleksiyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Sabi ng Commission on Elections (Comelec), hindi kabilang ang Sultan Mastura sa election hotspot kaya nagtataka sila kung bakit nagkaroon ng karahasan sa lugar. Ayon sa mga awtoridad, bahagi iyon ng pananakot sa mga residente. Ang Maguindanao ay kilala na noon pa bilang lugar na nababalot ng karahasan at mga pandaraya sa panahon ng eleksiyon. Maraming private armies ang mga pulitiko. Doon din sa lugar na iyon napabalita ang nang­yaring dayaan sa 2004 elections sangkot si Come­lec supervisor Lintang Bedol. Doon din nangyari ang November 23, 2009 massacre kung saan 58 katao ang pinatay na karamihan ay mamamahayag.

Nakikinikinita ang karahasan sa nalalapit na eleksiyon at nararapat na maging handa ang mga awtoridad. Huwag hayaang mangibabaw ang karahasan. Huwag pahintulutang manaig ang pang­gugulo sa araw ng eleksiyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with