^

PSN Opinyon

Malapit nang lumabas ang desisyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MALAPIT nang lumabas ang desisyon ng UN arbitration court sa inangat na reklamo ng Pilipinas hinggil sa pag-aangkin ng China sa halos buong karagatan sa rehiyon, dahil malakas na ang panawagan ng Ame­rika sa China na respetuhin ang magiging desisyon ng korte. Ilang linggo na lang ang hinihintay. Nagiging mainit ang mga salita dahil sa plano ng China na magtatag ng “air defense zone” sa rehiyon natin, katulad ng ginawa sa may bandang silangang bahagi ng karagatan malapit sa Japan.

Kung matatandaan, hindi ito sinundan ng mga eroplanong militar ng Amerika at nagpatuloy na lumipad sa kinikilala nilang “international airspace”. Tinataboy sila ng China sa radyo pero hindi nila ito pinansin. Wala namang masamang naganap. Ang mahirap, kung gagawin ng China iyan sa rehiyon natin, ano ang kaya nilang gawin kung lumipad nga ang mga eroplano natin, o ng ibang bansa sa rehiyon, sa mga “air defense zone” na ito?

Sa tingin ko alam ng China na hindi magiging pabor sa kanila ang magiging desisyon, kahit hindi pa luma­labas ito, kaya ngayon pa lang ay pinalalakas na ang kanilang kapit sa mga nilikhang isla. May mga radar na, may mga missile na, at maglalagay na rin ng mga eroplanong pandigma. Ano pa ba ang pinapahiwatig nila? May babala na rin sa Amerika na “mag-ingat sa karagatan”, ito matapos patuparin na ang pinagkasunduan ng Amerika at Pilipinas hinggil sa paggamit ng limang base-militar sa bansa, ang ilan ay malapit pa sa rehiyon kung saan may alitan.

Pero wala talagang basehan ang malawak na ina­angkin ng China, o ang tinatawag nilang “nine-dash-line”, kaya magpapatuloy ang mga tinatawag na “freedom of navigation and flights” sa tanggap na “international waters at airspace”. At hindi lang ang Pilipinas ang dinedehado ng China, kundi pati Vietnam,  Malaysia at Indonesia. Ayon sa Malaysia, sinasamahan pa daw ng Chinese Coast Guard sa loob ng teritoryo nila ang kanilang mga mangingisda para makahango nang hindi mahuhuli. Sino ang nagpapasama ng tensyon sa rehiyon? Inaantabayanan ng lahat ang magiging desisyon ng UN. Sana nga pabor sa atin, para may batas na tayong sinusunod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with