^

PSN Opinyon

Palapit nang palapit na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LUMABAS ang ulat na ilang mga barko ng China ang humaharang sa mga Pilipinong mangingisda na makapasok sa Quirino Atoll. Ang Quirino Atoll ay 140 milya lang ang layo mula sa Palawan, kaya malinaw na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas, na hindi iginagalang ng China. Kinumpirma ng alkalde ng Kalayaan Island na matagal na ngang may mga barko ng China sa nasabing lugar. Palapit nang palapit na ang China sa Pilipinas.

Inamin na rin ng China na nagpadala nga sila ng mga barko sa Quirino Atoll, para hilahin ang sumadsad na barko ng Pilipinas. Maayos daw ang pagtrato nila sa barko, at umalis na rin ang kanilang mga barko, pero iginiit pa rin na sila ang may-ari ng nasabing lugar. Hindi mo talaga mainitindihan ang pag-iisip ng mga ito. Napakalapit ng Quirino Atoll sa Pilipinas, pero sa kanila pa rin iyon?

Dito makakatulong ang mga aarkilahin ng bansa na eroplano mula sa Japan, para mas mabantayan ang mga interes ng bansa. Nagbabala na rin muli ang Amerika sa ginagawang militarisasyon ng China sa rehiyon. Magkakaroon ng naval exercises ang Amerika, Japan at India sa hilagang bahagi ng karagatan, malapit sa lugar kung saan agresibo ang China sa pag-aangkin ng mga isla. Malayang paglalayag sa karagatan ang isinusulong ng Amerika, at nangakong magiging madalas na ang pag-patrol sa nasabing rehiyon. Kung ano ang gagawin ng China ngayong may mga sandata na sa ilang isla ay binabantayan ng buong mundo.

Sa bawat araw na lumilipas, tila mas nagiging ma­tindi na ang tensyon sa karagatan. Tulad ng inaasahan, walang pakialam ang China sa kanilang mga ginagawa, at walang pakundangan sa opinyon ng iba. Inaasahan na lalabas na ang desisyon ng Court of Arbitration sa The Hague itong taon, kaya ganito na kumilos ang China. Kung pabor sa Pilipinas ang desisyon, siguradong hindi ito rerespetuhin ng China at idadaan sa sindak at banta ang anumang aksyon para angkinin ang mga islang tinayuan na ng mga gusali at imprastraktura. Ano na ang gagawin ng mga bansa sa rehiyon kapag ganito ang mangyari? Dapat ngayon pa lang ay may katayuan na ang ASEAN hinggil dito, pati na mga bansa na nakikinabang sa malayang paglayag sa karagatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with