^

PSN Opinyon

EDITORYAL - People power vs. kurakot na lider

Pilipino Star Ngayon

ANG nangyaring people power sa EDSA noong Pebrero 21-25, 1986 ay hindi malili­mutan ng mga Pilipino. Maaring tumamlay at magsawa ang mga Pilipino sa taun-taong paggunita sa EDSA People Power pero hindi ka­ilanman mawawala sa isipan ang kabuluhang nangyari sa pagkakapit-bisig at pagkakaisa para makalaya sa panggigipit ng rehimeng Marcos. Napatunayan sa EDSA People Power na kayang gibain ang konkretong trono ng diktador. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama, posibleng makalaya sa taong sakim sa kapangyarihan. Maaaring mawasak ang matagal nang naghahari sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagsasama-sama.

Hindi mawawala ang espiritu ng EDSA at patu­loy itong magliliyab kapag mayroong pinuno na sakim sa kapangyarihan at yaman. Hindi na uu­ubra ang mga sakim na pinuno sapagkat mayroon nang tapang ang mamamayan kung pa­ano wawasakin ang trono ng gahaman. Alerto na ngayon ang mamamayan sa lider na sisiil sa kanilang karapatan. Hindi makapangyayari ang maitim na balak ng masamang lider.

Sa Mayo ay muli na namang maghahalal ng bagong lider ang mamamayan. Sino man sa limang presidentiables ang piliin ng taumbayan­ para maglingkod sa susunod na anim na taon, iisa ang tiyak, hindi siya makagagawa ng anu­mang pagmamalabis. Mayroon nang aral ang mamamayan dahil sa ginawa ni Marcos na 20 taong naghari sa bansa. Hindi na magtatagumpay ang sinumang lider na magtatangkang siilin ang karapatan ng mamamayan. May aral ng natu­tuhan ang mga Pilipino sa nangyaring pagmamalabis ni Marcos.

Sisilang ang EDSA kahit saan hangga’t may pinunong magmamalabis, magnanakaw at walang pakialam sa mahihirap na mamamayan. Ang espiritu ng EDSA ay lagi nang tatarak sa dibdib ng pinunong magiging ganid sa salapi at kapangyarihan. Hahatakin siya sa kinaluluklukan. Nararapat masindak ang mga nagnanais linlangin ang mamamayan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with