^

Metro

Ex-soldier, 3 pa timbog sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

‘Bloodless drug ops’ sa Quezon City

MANILA, Philippines — Isang dating sundalo at tatlong iba pa ang naaresto sa isinagawang buy bust at “bloodless drug operations” ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at nakumpiska mula sa kanila ang nasa P50,000 halaga ng droga sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni QCPD Director, P/Chief Supt. Guillermo  Eleazar ang mga suspek na sina Anthonitte Gerobiese, 42, dating kagawad ng Philippine Army na residente ng No. 474, Villa Beatriz St., Brgy. Old Balara; Federico Co, 48, ng  Brgy. Sta. Lucia; Erwin Tuazon, 38, ng  Brgy. Tatalon at Jerry Darriguez, 29, ng Panay Avenue corner Timog Avenue, pawang sa Quezon City.

Ang mga suspek ay nada­kip dakong alas-10:00 ng gabi sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan Station Drug Enforcement Unit ng Batasan Police at Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) sa Don Francisco St., Brgy. Old Balara, Quezon City.

Ayon kay Gen. Eleazar, nakatanggap ng sumbong ang kanyang mga tauhan mula mismo sa mga residente sa lugar hinggil sa pagtutulak ng bawal na gamot ng mga suspek kaya isinagawa ang survaillance operation.

Nang makumpirma na positibo ang reklamo ay isinagawa ang ‘bitag’ sa mga suspek na nagresulta ng kanilang pagkaka-aresto.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang white plastic sachet na naglalaman ng droga  na nagkakahalaga ng P50,000.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with