^

Metro

Ama, binaril ang sariling anak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang 28-taong gulang na binata nang barilin nang sarili niyang ama nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo nang maligaw sila habang pauwi sa kanilang tahanan sa Fairview, Quezon City kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang si Gabriel Cabrera, call center agent, at residente ng  Varsity St., East Fairview Subd., Brgy. Greater Fairview, ay ginagamot pa sa FEU hospital dahil sa tama ng bala sa kanyang kaliwang tuhod.

Samantala, kusang loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na ama na si Philip Agustin Cabrera, 61.

Batay sa ulat ni PO3 Al Cagsawa, ang insidente ay naganap dakong alas-4:20 ng hapon sa harapan ng kanilang tahanan.

Lumilitaw na bago ang insidente ay pauwi na ang mag-ama sakay ng kanilang kotse na minamaneho ng biktima, nang magkamali ito ng rutang dinaanan kaya  sila   naligaw.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang insidente at pagdating sa harapan ng kanilang tahanan ay nagbunot ng baril ang ama at binaril sa tuhod ang anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with