^

Metro

Sasakyan na may ‘commemorative plate’ huhulihin!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

‘Sumbong Bulok, Sumbong Usok’ ikinasa na

MANILA, Philippines — Mag-uumpisa nang mang­huli ang Inter-Agency Committee on Traffic (I-ACT) ng mga pribadong behikulo na may nakakabit na “commemorative plates” sa halip na orihinal na plaka at sa mga sasakyan na may “conduction sticker” o walang plaka na ikinakatuwiran ang kapalpakan ng Land Transportation Office (LTO).

“This week, maging mga (private) na sasakyan na walang conduction stickers, huhulihin na rin, kasama ang mga taxi na green plates.  Mas pahihigpitin pa namin ang operasyon, hindi ho tayo babawas sa intensity,” ani Transportation Asst. Secretary Tim Orbos.

Ngayong linggo rin ilulunsad ng I-ACT ang programang “Sumbong Bulok, Sumbong Usok” na maaa­ring magpadala sa kanila ng litrato o video ang publiko laban sa mga bulok na sasakyan at ‘smoke belchers’ upang maprayoridad nila kung saan magsasagawa ng operasyon. 

Sa mga maaapektuhang mga pasahero, nagbibigay naman umano ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng libreng sakay upang maihatid sila sa kanilang destinasyon.

Sinabi ni Orbos, kanilang hahabulin at papanagutin ang mga smoke emission testing centers at mga empleyado ng Land Transportation Office (LTO) na nagpalusot sa rehistro ng mga pampasaherong jeepney na nahuli nilang mga “smoke belchers.” Aniya, hahanapin nila ang mga emmission centers na nagbigay ng “clearance” sa mga smoke belchers na sasakyan at maging ang mga empleyado ng LTO na nagproseso ng kanilang papeles upang mapanagot.

Nagtataka ang I-ACT kung bakit napakaraming mga pampasaherong jeep at bus na nagbubuga ng makakapal at maiitim na usok ang kanilang nahuhuli sa ilalim ng “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign kahit na may mahigpit na panuntunan na dito ang LTO.  Sa operasyon, higit sa 1,000 na sasakyan na umano ang kanilang nahuli.  Suportado naman umano ito ng ibang mga lokal na pamahalaan na nagpadala na sa kanila ng mga mensahe na nais nilang sa kanilang lugar o labas ng Metro Manila magsagawa rin ng operasyon.

Bukod sa mga pampublikong sasakyan na hindi ligtas magpasakay ng pasahero, kasama sa hinuhuli ngayon ng I-ACT ay ang mga kolorum na sasakyan lalo na ‘yung mga ‘tinted’ at puno ng mga pasahero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with