^

Metro

Mga nakamaskarang killer, umatake sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling umatake ang mga nakamaskarang kriminal sa lungsod ng Caloocan makaraang pasukin ang bahay ng isang lalaki na hinihinalang sangkot sa pagnanakaw at iligal na droga at pagbabarilin ito, kamakalawa ng gabi.

Agad na nasawi dahil sa tinamong mga tama ng bala ang biktimang si Wilfredo Trojillo, alyas Tisoy, 44, at residente ng Phase 9, Package 3, Block 7, Bgy. 176, Bagong Silang, ng naturang lungsod.  Agad namang tumakas ang mga salarin lulan ng isang itim na Mio type scooter.

 Sa ulat ng Caloocan City Police-North Extension Office, dakong alas-7:25 ng gabi nang puwersahang pumasok ang salarin na nakasuot ng facemask at armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa bahay ni Trojillo saka siya pinagbabaril ng apat na beses.

Ayon sa pulisya, kilalang gumagamit ng iligal na droga sa kanilang lugar ang biktima.  Una na rin itong  nadakip   nang ituro ng mga residente na siyang nanloloob sa kanilang bahay at tumangay ng kanilang mga mahahalagang gamit ngunit nagawang makalabas nang makipag-areglo na lamang sa mga nagrereklamo.

 Hinala ng pulisya, posibleng may kinalaman sa kanyang iligal na gawain ang pamamaslang sa kanya na kanila ngayong masusing iniimbestigahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with