^

Metro

MRT-3 tumirik na naman

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sumabay pa sa transport strike

MANILA, Philippines — Kasagsagan ng rush hour ng araw ng Lunes, at unang araw ng tigil-pasada na ikinasa ng mga jeepney drivers, ay muli na namang tumirik ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), kahapon ng umaga na ikinadismaya ng maraming bilang na pasahero na na-late sa kani-kanilang destinasyon.

 Nabatid mula sa control tower ng MRT-3 na nagkaroon ng technical problem ang isa nilang tren sa Ortigas station Southbound.

Naganap ang aberya dakong alas-8:09 nang habang punong-puno ng sakay na pasahero ang MRT-3 dahil sa isinasagawang tigil-pasada ng ilang driver ng mga pampasaherong jeepney.

Pinababa sa tumirik na bagon ang mga pasahero at muli na lang nag-abang ng panibagong masasakyan na tren patungo ng Makati at Pasay City.

Ang nagkaproblemang tren ay hinatak na lamang pabalik sa MRT-3 depot sa North Avenue, Quezon City para kumpunihin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with