^

Metro

Bugaw con pusher, nilikida

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Patay ang sinasabing bu­gaw con pusher matapos na siya ay pagbabarilin sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Valentin Pilay, ng Brgy.  Old Balara, Quezon City.

Naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa tapat ng isang kilalang con-venience store at gasolinahan sa Old Balara sa lungsod.

Ayon sa isang testigo, nakita niyang tumatakbo ang biktima na sinusundan ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo.

Pagdating sa tapat ng convenience store ay naabutan ng riding in tandem si Pilay at doon pinagbabaril.

Tinamaan ng bala ang biktima sa kanyang katawan at baba, na nagresulta ng kanyang on-the-spot na kamatayan.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives ng Quezon City Police ay nakakuha sila ng tatlong basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Narekober din sa wallet ng biktima ang isang  plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang droga.

Sa inisyal na imbestigas­yon, sinasabing bugaw ng mga babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw ang nasawi na suma-sideline rin umano sa pagbebenta ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with